Chapter 10
Carla's Pov
Nagising ako mula sa pagtulog nung nakaramdam ako ng init kaya dahan-dahan kong hinubad ang suot kong damit at nagpalit ng sando.
Dahan-dahan din akong umupo sa kama namin nila Thea baka kasi magising ko sila pero para namang hindi eh!
Himbing na himbing na kasi silang dalawa sa pag-tulog at magkayakapan pa talaga ha.
Hindi ko alam kung anong oras na kaming natapos sa pag-inuman pero I think, 11 na yata ng gabi 'yun.
Kinuha ko ang cellphone ko na nakalagay sa tabi ng lampshade at tiningnan kung anong oras na ito. Nung nakita ko na ang oras ay ala una na ng madaling araw ay humiga na ulit ako mula sa pagkaka-upo at sinubukang matulog ulit kasi maaga kami bukas dahil may pasok pa kami.
Ilang beses kong sinubukang matulog pero hindi ko pa rin magawa eh. Ewan ko ba kung bakit hindi na ulit ako maka-tulog kahit pakiramdam ko ay antok na antok na ako.
Sinubukan ko ulit na matulog pero wala pa rin kaya lumabas nalang ako ng hotel at pumunta sa tabing dagat para magpa-antok.
Naglakad-lakad ako sa tabing dagat hanggang sa madala ako ng mga paa ko sa lugar kung saan ako sinigawan ni Drake kanina. Umupo ako sa malaking bato na inupuan ko rin kanina at tiningnan ang umaagos na tubig sa dagat habang nagre-reflect doon ang kaonteng ilaw ng buwan.
Hindi ko alam kung bakit ako dinala ng mga paa ko dito. I feel strange, parang may mangyayare sa gabing ito. Scratch it, umaga na pala. Dahil ala una na ng madaling araw.
Habang nagmu-muni muni, may biglang dumating na lalake. Si Mhor lang pala. Anong ginagawa nya dito? Hindi rin sya makatulog?
Nakita kong namutla si Mhor nung nakita nya ako at dahil doon ay bigla kong naalala ang pinag-usapan namin ni Thea nung isang gabi.
'Pero alam mo, nag-tataka rin ako minsan kay Mhor. Kasi alam mo? Tuwing nakikita ka nya bes, akala mo may masama kang gagawin sa kanya kasi namumutla sya minsan kapag andyan ka.'
Hayy, ewan ko ba talaga dito kay Mhor kung anong problema nya sa akin? Nakakatakot ba ako tingnan? Nakakatakot ba ako tumingin?
Aalis na sana si Mhor pero napahinto sya sa paglalakad nung tinawag ko sya.
"Mhor! " Humarap sa akin si Mhor nung tinawag ko sya pero namumutla pa rin. Ano bang problema nito?! "Dito ka muna! " Sabi ko sa kanya habang nilapitan ko sya at hinawakan ko sya sa kanyang kamay at hinila para umupi rin sya sa malaking bato na kinauupuan ko kanina.
"B-bakit? " Nauutal na tanong nya sa akin. 'Yan na naman sya! Kanina, namumutla sya, ngayon, nauutal sya! Ano ba talaga ang problema ni Mhor sa akin?
Humarap ako kay Mhor na ngayon ay katabi ko at namumutlang nakatingin sa malayo.
"Wala lang, gusto lang kitang maka-usap. " Sabi ko sa kanya ng nakangiti.
"B-bakit mo n-naman ako gustong m-maka-usap? "
"Hindi ko alam. Gusto lang talaga kitang maka-usap. " Napakapit ako sa braso ni Mhor nung naramdaman ko ang malamig na hangin sa aking mga balat. "Ang lamig no? " Tanong ko kay Mhor. Bakit ba kasi ako nagpalit ng damit? Ang lamig tuloy.
Naramdaman kong tinatanggal ni Mhor ang suot nyang jacket at pinasuot nya ito sa akin. Paano ito? Baka malamigan din si Mhor?
"Baka malamigan ka ri Mhor?" Tanong ko kay Mhor na naging dahilan ng pagtingin nya sa akin ng hindi na namumutla.
"Alangan namang ikaw? " Biglang uminit ang aking mga pisnge sa sinabi ni Mhor kaya naman ay napayuko ako.
Bakit ganito? Kanina, problemado ako kay Mhor dahil namumutla sya. Pero ngayon, problemado na ako sa sarili ko dahil namumula ako.
Hindi ko alam kung bakit ako namula. Sigurobdahil ito sa sinabi ni Mhor.
"Ahh, ganun ba? " Sabi ko nalang kay Mhor.
Nagkaroon ng kaonteng katahimikan sa amin pero nabasag rin 'yun nung nagsalita ako.
"So, Mhor, bakit nga pala wala ka pang dini-date na babae? " Naalala ko kasi ang sinabi ng kapatid nya kanina nung nag-iinuman kami.
Napatingin sa akin si Mhor sa tanong ko at namutla ulit habang nilulunok ang sarili nyang laway.
"U-uhm... "
"Totoo ba na dahil 'yun kay Thea? " Mapang-asar na sabi ko sa kanya habang tinataas-taas ang aking kilay.
"H-hindi. " Pagkasabi nya nun ay nag-iwas sya ng tingin sa akin at napa-ayos sa pag-upo.
Weh? Eh sino naman 'yun kung hindi ang bestfriend kong si Thea ang dahilan?
"Talaga? Eh sino naman? " Tanong ko kay Mhor.
"Uhm.... N-nasa malayo sya. "
"Nasa malayo sya? Eh, saan naman? "
"H-hindi ko alam. " Hindi nya alam? Pero alam nya na nasa malayo ito?
"Hindi mo alam.... " Sabi ko habang tumatango-tango. "Ok, pero, bakit inaantay mo pa rin sya kahit na alam mong nasa malayo sya? " Biglang tumayo si Mhor mula sa pagkaka-upo saka humarap sa akin.
"K-kasi, alam kong iniisip nya rin ako. " Pagkasabi nun ni Mhor ay lumakad na sya paalis sa kinaroroonan ko.
Ganun? Umaasa sya na iniisip rin sya ng babaeng 'yun? Parehas pala kami! Iniisip ko rin na sana ay iniisip rin ako ni Jake.
Wait.... Hindi kaya...
No! No! Imposible! Magka-iba sila ng ugali kaya imposible talaga 'yun! Baka nagkataon lang na parehas kami ng sitwasyon.
Oo, baka 'yun nga. Kaya, 'wag mo nalang isipin 'yun Carla, ok?
Nanatili muna ako saglit dito sa kinaroroonan ko bago ko naisipang bumalik sa resort at para na rin makapag-tulog ulit.
Pagkadating ko sa kwarto namin ay naabutan kong gising at nakaupo sa kama si Thea habang umiinom ng tubig.
"Oh, saan ka galing bes? " Tanong sa akin ni Thea nung napansin nya ang presence ko.
"Sa seashore, naglakad-lakad lang." Sagot ko sa tanong ni Thea sa akin.
"Ahh... " Napatingin si Thea sa suot kong jacket at nagsalita. "Kaninong jacket 'yan bes? " Tanong sa akin ni Thea kaya naman napatingin din ako sa jacket na suot ko.
Nakalimutan ko palang ibalik kay Mhor ang kanyang jacket! 'Di bale, may bukas pa naman.
"Ah, kay Mhor. "
"Magkasama kayo? " Naka-pout na tanong sa akin ni Thea.
"Hindi rin, nagkita lang kami tapos nag-usap saglit. "
"Nag-usap kayo?! Eh! Naiinggit na ako! Buti pa ikaw kinakausap nya, ako kasi hindi! " Naka-pout ulit si Thea habang sinasabi nya 'yun sa akin.
"Oh? Talaga? Bakit naman? "
"Ewan ko! Tulungan mo naman ako bes! Please! " Pagkasabi nun ni Thea ay hinawakan nya ang kamay ko at nag-puppy eyes.
Ano pa nga bang magagawa ko? Best friend ko 'to kaya dapat ko syang tulungan.
Sigh.
"Ok. "
*****
Guys, nagustuhan nyo ba ang chapter na 'to? Kung hindi, pagpasensyahan nyo na, 'yan lang ang nakayanan ko ngayon eh.
Pero sana, nagustuhan nyo at kung nagustuhan nyo naman, please vote and leave a comment po.
Thank you! ❤
YOU ARE READING
Accidentally Fallen
JugendliteraturThis story was about a 10 year old girl who me a guy accidentally who has same birthday with her and as they became closer not until the girl needs to leave. She's supposed to go back but something happened, she didn't came back. And that made her r...