Chapter 9

13 5 2
                                    

Chapter 9

Carla's Pov

"So,  what else do we need? " Tanong ni Ayesha kay Stephan na ngayon ay may tinitingnan sa mga junkfood stands.

"I think we need other foods,  too.  Hindi 'yung puro drinks at marshmallows lang ang bibilihin natin. " Well.... Tama rin si Stephan.  Kailangan rin namin ng ibang foods incase na maubos ang mga marshmallows na binili namin.  Kumuha na rin si Stephan ng beer at pagkatapos nun ay binayaran na nila ni Ayesha ang mga ito.  Habang kaming dalawa ni Mhor ay nasa labas ng grocery store,  inaantay ang dalawa na matapos bayaran ang mga pinamili namin.

Nagkaroon ng awkward silence sa aming dalawa dahil siguro ito sa mga nangyare ngayong araw.  Hindi pa rin pala ako nakapag-pasalamat kay Mhor dahil kinomfort nya ako kanina nung umiiyak ako dahil sa takot ko kay Drake.

"Uhm.... Thank you nga pala kanina Mhor ha! " Pagpapasalamat ko ka Mhor then nginitian ko sya habang sya naman ay nakatingin sa ibang direksyon habang nagsasalita.

"Ok l-lang 'yun.... " Sabi nya ng nauutal at biglang namula. 

Napatingin sa akin si Mhor at nginitian nya ako ng tipid at pumunta na ng van na sinakyan namin nung natapos nang bayaran ni Stephan at Ayesha ang mga pinamili namin.

"Tara na. " Sabi ni Stephan sa akin then inakbayan ako kahit na may dalang plastic bag na may lamang mga pinamili ang kanyang kamay na pinang-akbay sa akin.

Bipolar din itong si Stephan ano!  Kanina,  seryosong seryoso sya pero ngayon,  akala mo nanalo ng loto sa sobrang lapad ng ngiti.

"Ang saya mo ngayon ah!  May paakbay-akbay ka pang nalalaman!  Akala mo bati na tayo ha,  hindi pa! " Sabi ko kay Stephan then tinanggal ang kamay nyang naka-akbay sa akin at inunahan ko na syang pumunta sa van.

"Ah!  Ganun pala!  Hindi pa tayo bati?  So magbabati lang tayo kapag binigyan kita ng gummy bears? " Gummy bears?  Meron syang gummy bears?!

Napalingon ako kay Stephan at lumapit ako kaagad sa kanya at kumapit sa kanyang braso.

"Stephan!  Bati na tayo 'diba? 'Diba!  Uy!  Bati na raw 'yan kami! " Sabi ko kay Stephan habang sinusundot-sundot ang kanyang tagiliran pero ito namang si Stephan,  nagpakipot.  "Sige na!  Bati na tayo!  Penge ng gummy bears!  Please!! " Sabi ko kay Stephan then nag-puppy eyes.

"Ok!  Ok! " Sabi nya ng parang nag-surrender then may kinuha sya sa isang plastic bag na dala nya.  My gummy bears!!

Binigay nya sa akin ang isang pack ng gummy bears kaya kinuha ko ito kaagad sa kanya.  Eh!!  Gummy bears!

Pagkatapos kong kunin ang gummy bears kay Stephan ay pumasok na ako ng van at tumsbi kay Ayesha na nasa likod habang ang dalawang boys naman ay nasa harapan.

Nakabalik kami ng resort nila Thea nang  six thirty na ng hapon at naabutan namin ang mga kaibigan namin na inaayos na ang bonfire.

Meron ding ibang bisita ng resort nila Thea ang gumagawa ng bonfire banda sa hindi kalayuan sa amin kaya hindi lang kami ang mag-iingay mamaya.

Kumaway si Thea sa akin nung nakita nya ako at lumapit sa akin ng may malaking ngiti.

"Bes! "

"Oh? " Sabi ko sa kanya.

"Bakit hindi mo sinabi na kasama nyo pala ni Ayesha na bumili ng mga foods at drinks si Baby Mhor!? " Tanong sa akin ni Thea then nag-pout.

"Malay ko ba nakasama namin ni Ayesha si Mhor na bumili.  Akala ko nga kaming dalawa lang eh! " Sabi ko then kumuha ng gummy bear sa binigay ni Stephan at isinubo ito.  Yum!

"Ehh!  Kahit na! "

"Psh!  Tara na nga! " Sabi ko kay Thea at pinuntahan na namin ang iba naming mga kaibigan para tulungang buhatin ang malaking kahoy na uupuan namin mamaya.

Pagkatapos naming ayusin ang dapat naming ayusin para sa bonfire namin ay sinindihan na ng ibang boys ang mga kahoy na kinuha nila Thea at habang kami namang walang ginagawa ay pumaikot na sa apoy at umupo sa kahoy na hinilera kanina para upuan.  Bale ganito ang pwesto namin.

Ako-Stephan-Mhor - Thea- Mia- Mhir- Drake- Fiona- Ayesha- Kein- Zeth- Kaiser-Lea.  Dahil naka-form kami ng circle,  katabi ko si Lea,  ang kakambal ni Mia.

Kumuha na kami ng kanya-kanya naming mga beer at kanya-kanya rin namin itong ininom kaagad.

Habang nag-iinuman,  hindi namin maiwasang mag-kwentuhan tungkol sa kung ano-ano.

"So,  guys!  Balita ko,  isa sa atin ay tinatamaan na sa isang tao. " Sabi ni Zeth ng medyo lasing na then tiningnan si Stephan na katabi ko kaya napatingin na rin kaming lahat kay Stephan.

Ngumisi nalang si Stephan kay Zeth then tumingin sa akin habang umiinom.

Oh!  Bakit naman ito nakatingin sa akin?!  Anong ginawa ko sa kanya?  Hala!

"Hoy!  Ano na pare!  Sino 'yang lucky girl na 'yan ha! " Pagpipilit ni Zeth kay Stephan.

"Oo nga!  Sino 'yan Stephan!  " Tanong sa kanya ni Thea then siniko nya si Stephan.

Tumawa lang si Stephan at ininom lang ang kanyang beer at nung naubos ito ay kumuha na naman sya ng isa pa at ininom ito.

"Hayy naku!  Ayaw naman sabihin ni Kuya Stephan eh!  Tanungin nalang natin si Kuya Mhor! " Sabi ni Mhir sa amin at tiningnan ang kanyang kuya ng nakangisi.  "Ito kasing si Kuya Mhor eh!  Ang daming chicx ang lumalapit sa kanya nung nasa US pa kami pero ni isa,  hindi nya niyaya mag-date!  Bakit nga ba kuya? " Tanong ni Mhir sa kanyang kuya at uminom ng beer.

Namula lang si Mhor sa tanong ng kanyang kapatid habang tiniyingnan ang bote ng beer na hawak nya.

"Inaantay kasi ako ni baby Mhor! " Sabi ni Thea sa amin then kumapit sa braso ni Mhor.  Lasing na ata itong si Thea  eh!

Umingay ang grupo namin sa sinabi ni Thea at inaasar na silang dalawa dahil doon.

"Sus! Ikaw Mhor ha! Kaya pala ha! " Kantyaw sa kanya ni Kaiser.

"Eh ikaw Carla?  Meron ka na bang lovelife? " Napalunok ako sa tanong ni Fiona sa akin habang nakangisi.  Ako naman ay napalunok nalang ng laway dahil sa tanong ni Thea. 

"U-uhm.... "

"Meron 'yang inaantay si Carla! " Pagkasabi nun ni Thea ay tuluyan na syang napahiga sa kandungan ni Mhor dahil sa lasing.

"Uy!  Sino 'yan Carla ha! " Napalunok nalang ulit ako sa tanong ni Fiona.

Sino ang inaantay ko?  Ito lang naman ang batang lalake na nagpatibok ng aking puso dati......

.

.

.

.

.


.


Si Jake......




********

Eh!!  Sino kaya si Jake?  Hmmm?  Well,  abangan nyo nalang!



Accidentally FallenWhere stories live. Discover now