Chapter 8

15 6 0
                                    


Chapter 8

Carla's Pov

"M-mhor...... " Sabi ko kay Mhor then niyakap ko sya.

"A-anong nangyare C-carla? " Nauutal na tanong ni Mhor.

Hindi ko masagot-sagot ang tanong ni Mhor dahil sa naramdaman ko nung sinigawan ako ni Drake.

It was my first time by getting yelled by someone.  Hindi pa ako nasisigawan ng ibang Tao.  Kahit ang parents ko ay hindi pa ako nasisigawan.  Pero dahil Kay Drake,  na-experience ko ang masigawan.

Niyakap ko si Mhor ng almost 10 minutes at kumalas lang ako sa pagkayakap sa kanya nung tumigil na ako sa pag-iyak.

"U-uhm.... " "Mhor..... " - Sabay naming sabi ni Mhor.

Napatingin kami sa isa't isa ni Mhor pero bigla ring napunta sa iba ang atensyon namin nung may tumawag ng pangalan namin.

"Carla!  Mhor!  Andito lang pala kayo! " Sabi ni Thea habang papalapit sa amin.  "Anong ginagawa nyo dito? " Tanong nya sa amin then kumapit sya sa braso ni Mhor.

"U-uhm.... "

"Oh insan!  Saan ka rin ba galing?" Napatingin ako sa tinawag ni Thea at naabutan kong nakatingin si Drake sa akin ng matalim habang ang dalawang kamay nya ay nakalagay sa bulsa ng kanyang suot na shorts.

Natakot ulit ako dahil sa pagtingin palang ni Drake sa akin. Hindi na ako lalapit sa kanya, ever.

"Wala, " Malamig na sagot ni Drake sa tanong ng kanyang pinsan at nilagpasan lang kami.

"Ahh.... May lugar palang wala? " Pilosopong tanong ni Thea sa amin at tiningnan si Mhor na ngayon ay nakatingin sa akin ng malamig.  "Tara baby Mhor,  ligo tayo sa dagat. "

Tumango nalang si Mhor at nagpadala nalang kay Thea na ngayon ay hinihila sya.  Kaya ako naman ay sumunod nalang sa kanilang dalawa.

Pagkadating namin sa mga kaibigan namin ay sinalubong kaagad ako ni Stephan.

"Saan ka galing? " Tanong nya ng may halong pag-alala.

"Uhm.... Nagpahangin lang.  Tara,  ligo tayo? " Sagot ko sa tanong ni Stephan at iniba kaagad ang topic dahil baka marami na naman syang itanong sa akin.

Tumango lang sya sa akin then hinubad nya ang suot nyang v-neck t-shirt at sumunod na sa akin para lumangoy.

Mga five na ng hapon nung natapos kaming mag-swimming at naisipan na naming magbihis at para makapamili ng mga snacks namin para sa bonfire namin mamayang gabi.

Si Thea at Fiona nga pala ay kanina pa nakapag-palit ng damit dahil gusto nilang tumulong sa ibang boys humanap ng mga kahoy para sa bonfire namin.

Bale ang mga boys ay si Kaiser,  Drake at Zeth.  Si Thea at Fiona lang ang babae na sumama sa mga boys humanap ng mga kahoy.

Bago pa man ako makapasok sa room namin nila Thea ay may tumawag sa akin.

"Ate Carla, " Humarap ako sa tumawag sa akin at si Mia lang pala.

"Oh!  Bakit Mia? "

"Uhm.... Kasi,  ate..... " Sabi nya ng nahihiya habang ang dalawang kamay nya ay magkahawak at ang isang paa nya naman ay ginagalaw nya.

"Hmmm? "

"Pwede magtanong? " Sabi ni Thea ng nahihiya pa rin.

"Sure!  Ano ba 'yan? " Sabi ko sa kanya at sumandig muna ako sa pintuan ng kwarto namin at si Mia naman ay sumandig na rin sa wall,  katabi ko.

"Uhm.... 'Diba po ate,  m-medyo close ka k-kay kuya Mhor? " Tumango ako sa tanong ni Mia.

"Hindi rin naman masyado. What about that? " Tanong ko sa kanya at binalingan sya.

"K-kasi..... Hayy.... A-ano po b-ba ang pangalan ng k-kapatid ni k-kuya Mhor? " Kanina pa ito nauutal si Mia ah.  At bakit nya naman natanong ang pangalan ng kapatid ni Mhor?

"Mhir ang pangalan ng kapatid ni Mhor.  Balita ko,  magiging kaklase mo rin sya. At teka nga lang Mia matanong ko lang. " Lumapit ako ng konte sa kanya at bumulong.  "May gusto ka ba sa kapatid ni Mhor? " Nanlaki ang mga mata ni Mia at namula ang pisnge dahil sa tanong ko.

"U-uhm.... "

Hahaha!  Halata!  May gusto nga si Mia sa kapatid ni Mhor.

"So,  may gusto ka nga sa kanya! " Sabi ko sa kanya habang nakangisi at ina-angat-angat ang aking kilay.

"Hindi rin sa ganun ate! " Mas lalong namula si Mia dahil sa sinabi ko sa kanya.

"Ate ganda! " Napaharap ako kay Mhir na tumawag sa akin at binalingan si Mia na ngayon ay tinatago ang kanyang mukha dahil sa sobrang pula nito.

"Oh,  bakit MHIR. " Diniin ko ang pangalan ni Mhir at binalingan si Mia na parang tatago na sa likod ko.

"Nakita mo ba ate ganda si kuya? " Tanong sa akin ni Mhir then nag-pout.

Napasinghap ako dahil bigla nalang nangurot si Mia na nasa likod ko.

Napangisi nalang ako dahil sa naisip kong kabaliwan na I think ay makakatulong ito kay Mia.

"Hindi eh. " Sabi ko kay Mhir habang umiiling.

"Ahh... Ganun ba ate?  Saan kaya pumunta si kuya? " Sabi nya then kumamot sa ulo.

"Gusto mo ba hanapin natin sya?  Eh kaso papalit pa ako ng damit eh.  Si Mia nalang kaya ang sumama sa'yo? " Sabi ko then hinila papunta sa tabi ko si Mia mula sa likod ko at nginisian sya.  "Tutal,  wala rin namang ginagawa si Mia.  Right,  Mia? " Namula ulit si Mia sa sinabi ko lalo na nung lumapit sa kanya si Mhir.

"Is that ok with you Mia?" Nakatingin lang si Mia kay Mhir habang namumula pa rin ang pisnge habang pinipikit-pikit ang mata.

"Oo naman!  Ok lang 'yan kay Mia no!  Mabait 'yan,  promise!" Sabi ko at pinihit ang doorknob ng pintuan ng kwarto namin at binalingan ko ang dalawa.  "So,  paano 'yan guys!  Magbibihis muna ako ha?  Ingat kayo! " Bago ko pa man maisara ang pintuan ng kwarto namin ay tiningnan ko muna si Mia na ngayon ay hindi mo na malaman ang kanyang emosyon. Napangisi nalang ako sa kanya at isinarado na ang aking kwarto.

Nag-shower muna ako bago ako pumalit ng damit kasi,  hello!  Kakagaling lang kaya namin kanina sa dagat!  Kaya kailangan naming banlawan ng malinis na tubig ang aming katawan no!

Sinuot ko ang Malaking t-shirt ko na nilagay ni Thea sa bag ko na may print na minion at ang aking favorite pajama na color grey.

Binlow-dry ko muna ang aking buhok bago ako lumabas ng kwarto namin dala-dala ang aking cellphone at nagdala na rin ako ng extrang pera,  just in case.

Naabutan ko sa lobby ng hotel si Ayesha habang may pinipindot sa kanyang cellphone. Pero nung napansin nya ang presence ko ay humarap sya sa akin.

"Tayo raw ang nakatokang bumili ng mga snacks at drinks. Kasama natin si Mhor at Stephan." Sabi nya then tumayo na mula sa kina-uupuan nya. "Oh, andyan na pala sila."

Binalingan ko si Stephan at Mhor at nakita kong pareho silang nakatingin sa akin. Ewan ko kung bakit pero parang may nasi-sense lang talaga ako na kakaiba dito sa dalawa. Hindi ko alam kung ano pero....basta!

********

Grabe si Carla! 3 hot boys in a row talaga ha! Akin nalang 'yung isa kahit si Stephan lang uy! Haha!

Sa lahat ng mga bumabasa ng story ko na ito. Ang Accidentally Fallen. Thank you po! Kasi kahit papaano po ay mayroon pong nagbabasa ng story ko at meron pong nakaka-alam ng talent ko sa pagsulat ng mga story. Dati, pangarap ko lang ang maging writer pero ngayon, natutupad na kaya thank you po!

Naku! Ang drama naman ni Ms. Author! Basta po! Thank you po talaga. Mhuah! 💋



Accidentally FallenWhere stories live. Discover now