Prologue

960 16 1
                                    

Kindly watch the trailer~ Thanks :))

---

BWCW University Prologue

Isang sikat na unibersidad sa bansa ang BWCW.

Maraming mga kabataan ang gustong makapasok dito sa BWCW University.

Katulad rin naman ito sa mga ibang unibersidad sa Pilipinas.

May mga matatalino, may mga shunga, may mga maaarte, may mga heartthrobs, may mga Queen Bee, may mga snobs, may mga magaganda, may mga nagmamagaling, may mga malandi, may mga mabait, may mga masama, may mga  kambal, may mga tomboy, may mga bakla, may mga gwapo, may mga sira ulo, may mga  fangirl, may mga jeje, may mga nerds, may mga bookworms, may mga cute, may mga feeling gwapo at maganda, may mga professors, may mga deans, may mga janitors at janitress, at kung anu ano pa.

Parang walang pinagkaiba sa mga ibang Universities.

Wala nga ba?

Lahat tayo may sikreto sa buhay. Pero kahit anong tago mo sa sikreto mo ay nabubunyag din ito sa huli.

Sabi nga nila, walang sikretong hindi nabubunyag.

Paano kung ang sikreto ng mga ibang estudyante sa BWCW ay kakaiba sa mga sikreto mo?

Gusto mo bang tuklasin ito?

Paano kung natuklasan mo na, gugustuhin mo pa bang pumasok sa BWCW University?

Kung oo,

Welcome to BWCW University

********

He's Dating the Campus Nerd Prologue

DARE. Isang salita na pwedeng baguhin ang takbo ng buhay ng dalawang tao. May mga love story na dito nagsimula sa DARE.

Aminin natin na karaniwan ng gamit yang DARE na yan. Idate mo si ganito. Ligawan mo si ganyan. Paibigin mo siya. Saktan mo yan. Kunin mo yung V card nyan. Diba ganun naman ang mga mabibigat na DARE na karaniwang pinapagawa sa lalaki o maging sa babae. Na pag nagawa niya ay may kapalit na pera o kahit ano pa man yan. Masyado nang gamit o cliche.

Pero bakit USO pa rin siya sa mga tao lalo na sa kabataan? Lalo na sa Wattpad.

Siguro dahil sa hindi nakakasawa? O dahil sa parang naging part na ng tradition natin ang DARE. Ikaw ba? Sa tanang buhay mo ba ay hindi ka pa nakakalaro ng DARE? Hindi dahil parang tradition na nga natin ang paglaro ng DARE.

May mga advantage at disadvantage ang DARE. Ang advantage ay may mga love story na dito nagsimula at naging happy and ending. Ang disadvantage ay maraming nasaktan, nasasaktan, at masasaktan dito.

Sa una, masaya gawin ang DARE lalo na kung may kapalit pero nakakasakit din ito. Maraming nagiging Man-Hater/Woman-Hater ng dahil din sa DARE.

Sino ba kasing tao ang matutuwa na jinowa ka ng mahal mo dahil sa isang DARE. Masakit. Napaka. Kaya mahirap maniwala sa mga lalaki/babae na nagsasabi na mahal ka nila. Dahil minsan hindi mo na alam kung ano ang totoo at hindi. Dahil nga sa mahal mo yung tao, naibigay mo lahat sa kanya. Naibigay mo pati ang Bataan kasi mahal mo siya at mahal ka din DAW niya. Alam kong O.A. yung ''Naibigay mo pati ang Bataan'' pero let's face the reality, nangyari na talaga iyon sa totoong buhay.

Mapa-libro at sa totoong buhay, maraming love story na ang pinagmulan ay DARE.

Pati sa storyang ito, DARE din ang pinagmulan. Pero ang kakaiba ay sinabi na agad nung GUY na dare lang ang pagdate niya kay GIRL.

Ang tanong,

Magkakainlove-an ba sila na kagaya ng ibang storya?

O magiging magkaibigan lang sila?

**

Elo ulit XD

Waaah! Alam kong ang corny ng prologue. HAHAHA. Hindi kasi ako marunong gumawa. Sorry >u<v

Reminder:

Wag kayong mag-expect na kasing ganda ni Suzy Bae yung story ko ah. Kasing ganda ko, pwede pa. Pero kasing ganda ni Suzy, malabo mga bh3. Charot HAHAHAHA

Pero thank you sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa. Ge. Continue na XD

BWCW University: He's Dating the Campus Nerd [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon