Chapter 1: First

1.9K 70 5
                                    


Sky's POV

Nakakaantok...

'Yan ang ekspresyon ko ngayon.

"Ano? Nakahanap ka na ba?"inaantok na tanong ko kay Hunter na masyadong abala sa pagsasaliksik kung saan kami papasok this year.

Bale, bakasyon ngayon at ilang araw nalang pasukan na. Mag-fo-foourth year na kami kaya paspasan na sa paghahanap ng mapapasukan.

Walo kaming umalis sa nakaraan naming school sa kadahilanang pagkasira nito noon lamang nakaraang linggo. Sunog daw...

So ayun, dahil malapit na yung pasukan, heto kami ngayon, naghahanap na ng bagong school na papasukan.

Back to reality...

Hindi naman sinagot ni Hunter yung tanong ko na parang walang naririnig.

Bingi?

Sya si Hunter Santiago, mabait na kaibigan at so protective. Magaling din sya pagdating sa mga pagsasaliksik ng kung ano-ano. Online gamer kaya pati puso ko pinaglaruan nya—charaught.

"Juice? Sinong gusto?"alok ni Jyro(Jiro ang basa sa name nya)sa amin bago nya ilapag sa maliit na lamesa sa harap namin ang tray na may lamang pitchel na may juice at walong baso.

By the way, nasa bahay kami ngayon nila Jyro. Dahil malakas ang signal at internet dito. Nakiki-connect lang kami.

Kakapal ng mukha!

"Ako gusto ko!"ani ni Fritzy bago kumuha sa tray ng baso at sinalinan ito ng juice.

Yan si Fritzy Conception. kyotie at sobrang kulit. Adik sa wattpad at peymus sa twitter. Daming account nan. Sya din ang pinaka-una kong naging bestfriend noong highschool. Minsan may alitan pero nag-aayos din naman agad.

"Ghe, mamaya nalang"sambit naman ni Xian bago ituon muli ang kanyang atensyon sa cellphone.

Xian Aerus Dilliard, sya yung kaibigan naming taga-awat ng away. Nung nag-away nga kami nila Saturn at Fritzy dahil sa pulbo napag-bati agad kami nya. Binansagan pa nya nga kaming tatlong Powder Pop Girls. Lagi daw nag aaway dahil sa pulbo. Strikto at pinaka ayaw naming lahat magalit. Ewan. Basta nakakatakot sya. Sya din kasi yung tipong tatanungin ka tapos pag sinagot mo, pagagalitan ka pa.

Ibang klase...

"Okay..."hirit ni Nathan.

Si Nathan McGarden, bookworm minsan ang tawag namin sa kanya dahil mukha syang libro.

Charot!

Este... lagi kasing libro ang hawak. Tapos lagi ring top one sa section namin. Magkakaklase din kasi kaming walo dati. Oh di ba?

Tahimik din sya at once in an blue moon lang kung magsalita. May pagka introvert sya pero nakikibelong naman sya samin—samin lang siguro?

Bloody University 2:When The Blood ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon