Chapter 15: Catch Me

376 31 2
                                    


Sky's POV

Day passed pero hindi pa rin pumapasok si Nathan. After morning class, tumayo na ako para mag recess. Dumeretso muna ako sa cr dahil feeling ko, puputok na talaga itong pantog ko.

Pumasok ako sa isang cubicle at naglabas ng sama ng loob. Pagtapos non, naghugas ako ng kamay sa harap ng isang malaking salamin.

Hindi pa ako tapos maghugas nang kamay, may pumasok na apat na babaeng parang coloring book. Kung makapag make up kasi wagas.

Kesa makinig pa ako sa mga sinasabi nila, lumabas na ako ng cr at dumeretso sa cafeteria. Pagpasok ko sa loob, simoy ng aircon agad ang sumalubong sa akin. Iginala ko ang mga mata ko pero tanging mga waiter lang ang mga nandito. Nagpupunas ng lamesa at nagwawalis.

Pumunta ako sa counter saka humarap sa akin yung babaeng si-Celine...nakalagay kasi sa name tag nya. Mukha syang estudyante at parang working student. Working student?

"Dalawang cheesecake please..."sambit ko bago kumuha ng pera sa pouch ko.

"36 pesos miss...."tugon nito.

Inabot ko naman yung 50 pesos. Tapos sinuklian ako. At dahil nga nakakapanghinayang kumain sa isa sa mga table dito, dinala ko nalang sa upuan ko sa room.

Umupo ako sa upuan ko at dahil nga 5 minutes pa bago ang next subject. T-teka lang...nasan na yung bracelet ko! Nasan na ba kasi-sa banyo!

Dahil nga may 5 minutes pa, tumayo ako ulit at dali daling tumakbo papuntang cr. Alam kong pinagtitinginan na rin ako ng mga ibang estudyante pero wala na akong pakealam don.

Nang makarating ako sa cr, nakakapagtaka lang. Umalis ako dito ng alam kong sara ang pinto. Pero ngayon, bahagya na itong nakabukas.

Ako lang ba? O sadyang nakakarinig ako ng mga naghahalikan?

Medyo lumapit pa ako sa pinto at medyo inilapit din ang tenga sa pinto. Kahit pa mukhang tanga ako dito,tanga na kung tanga. Na cucurious ako eh.

M-may naghahalikan nga! Sumilip ako ng bahagya sa may naka awang napinto at...jusko lord!

Yung lalaki nung nakaraan sa cafeteria. Yung nakipag break. At humayghad. As in kilala ko talaga yung babaeng kalandian nya. Si Loona?

Spg! Spg! Spg! Jusko!

"Itigil nyo yan!"parang tangang sigaw ko bago buksan ang pinto. Salamat naman at nakuha ko parehas ang atensyon nila. Para silang nakakita ng multo sa mga itsura nila ngayon.

Hahaha...

"Sino ka?"sambit nung lalaki sa akin. Nakita ko naman yung name tag nya at....hmmmm....

"At bakit ka ba nandito? Hanggang dito ba naman Sky?"may halong inis na sabi sa akin ni Loona.

"Hindi nyo ba alam na pwede nyo yang ikapahamak?"

Bloody University 2:When The Blood ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon