Chapter 21: Night Night

381 25 2
                                    



Kit's POV

Hindi ko alam kung bakit dinala ako ng mga paa ko sa lugar na ito. Nakakapagod makipag agawan ng badge at nasakit na rin ang ulo ko. Pasado alas nuebe na nang matapos ang kaguluhan. Pero hindi ibig sabihin non na tapos na ang lahat. Marami nang namatay at siguradong mas dadami pa ang bilang nila. Nakakasakit ng ulong isipin pero anong magagawa ko? Ganon talaga.

Mga ilang minuto rin ang lumipas nang may marinig akong mga babaeng nag uusap di kalayuan pamula sa akin.

"I've already told you, I was in the dark forest.....so I couldn't see anything there. Ni anino nya hindi ko nakita."

"Talaga lang ha?!"

Sumilip naman ako ng kaunti pamula dito sa tree house kung saan nanggagaling iyon. Hanggang sa makita ko yung dalawang babaeng nag-uusap. Dahil mayroon akong profile ng lahat ng mga estudyante dito sa BU, kilala ko silang dalawa.

Emerald Cassidy at Shiela Aquino...

"Yes naman Emerald...ngayon pa ba kita lolokohin?"

"Sa akala mo maniniwala ako sa mga pinag sasabi mo?"

"Oh god! Emerald! ngayon pa? I swear! I swear! I swear and hope to—"

Di pa natatapos ang sasabihin sana ni Shiela nang bigla syang sakalin ni Emerald hanggang sa mapahiga si Shiela sa lupa.

"B-bitawan mo k-ko! Heeelp!"

"Die you b*tch!!"saka bumunot ng isang mabang kutsilyo si Emerald sa kanyang jacket.

At saka nya ito sinaksak ng paulit ulit sa mukha.

Ano ba dapat ang maging reaksyon? Haaaayst!

Luminga linga pa muna si Emerald sa paligid bago sya tumakbo papalayo. Hinintay ko munang mawala sya sa paningin ko bago ako bumaba ng puno.

Sinigurado ko ring walang tao sa paligid pero parang may matang nakamasid sa akin. Parang lang naman. Hindi ko na iyon pinansin pa at nagsimula nalang akong maglakad papunta sa cafeteria. Hindi pa ako nakakapasok sa loob nang matanaw ko sa entrance ng cafeteria sina Hunter at Xian. May itinaas pa si Hunter na hindi naman pinansin nung isa.

Nang makaalis sila, saka ako pumasok ng cafeteria.

Kumain na din ako dun dahil nagugutom ako.
Lumabas na ako at pumunta sa...

Sina Hunter ba yung nakikita ko?

Bumababa sila mula sixth floor hanggang fifth floor gamit ang lubid. Di ko sure pero base sa nakita kong suot nila kanina. Sila nga!

Ano namang ginagawa nila don? Nagnanakaw?Pati ba naman dito? Hayyst!

Sky's POV

Alas onse...oo! Alas onse na pero hindi pa rin sila bumabalik. Mga animal! Gutom na gut na koo!

"Ti next mo na ba?" Jyro.

Bloody University 2:When The Blood ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon