Chapter 43: Roommates pt.3

254 16 0
                                    


Sky's POV

"A-anong sinabi mo?" Mautal-utal na tanong ko.

"Nagkaroon ng plane crash 15 years ago. Flight yo'n papuntang korea. Ang alam ko.... bumagsak ang eroplanong iyon sa tubig kaso nung hinanap ang kanilang mga bangkay. Iilan lang ang nakitang mga bangkay. Alam kong alam mo ang tungkol do'n Sky. Tama ba ako?" Napatigil naman ako sa kinatatayuan ko.

"Bakit parang.... andami mong alam tungkol do'n?" Tanong ko.

Huminga pa muna sya ng malalim bago pa sya magsalita."Maupo ka muna dyan sa upuan." So ayun, umupo kaming dalawa dun sa dining table.

Kukuha na sana ako ng apple dun sa gitna nung lamesa nang mapatigil ako  dahil bigla syang nagsalita."Isa ang mga magulang ko sa mga naka-sakay sa eroplanong 'yon."

Sya den?

"Nakita ba yung bangkay nung magulang mo?" Ngumiti sya ng mapait.

"Sadly, nakita nila 'yon. Parehas silang patay na at nung mga araw na mabalitaan ko 'yon.... ewan ko pero gusto ko na ring mamatay."

He sighed. "Alam mo ba yung feeling na mapapasabi ka na lang na okay ka lang pero deep inside mapapamura ka na lang?" Sadness crept into my mind. "Kasi p*tang ina bakit ganito na naman? Muling bumabalik sa 'kin ang mga ala-ala nila. Laging nag eecho sa isip ko ang mga boses nila."

I'm sad for him...

"I'm sorry...."

"For what?"

"Dahil nagtanong pa ako..."

"Tss.. wala naman yun. Ok lang. Saka.. matagal na yun." Muli, ngumiti ulit sya ng mapait.

Dahan-dahan syang tumayo. "CR lang ako."

Hindi na ko nakapag-salita. Pinanood ko lang syang umalis hangang sa mawala sya sa paningin ko. Tatayo na rin sana ako para pumunta sa kwarto nang maka-salubong ko sa daan si Neil.

"Saan pupunta yun?" Tanong nito at inginuso pa yung pintuan kung saan lumabas si Luxineo.

"Babanyo lang daw sya..."

"Ahh..."


Then our conversation started...

*---*

Takip silim na pero wala pa rin si Luxineo, yung totoo, naawa ako sa kanya. Wala na syang magulang ngayon same to us.

Kaya naman kahit madilim, lumabas ako ng dorm suot-suot ang black blazer ko. Wala naman talaga akong balak na hanapin sya. He need space. May tinanong yata kasi akong hindi maganda.

Bloody University 2:When The Blood ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon