Sky's POV
Pagkatapos naming kumain sa cafeteria, nag hiwa-hiwalay na ulit kami. At here it goes, ako nalang ulit mag isa naglalakad. Siguro dederetso muna ako sa clinic upang kamustahin man lang si Nathan.
Lakad-takbo na ang ginawa ko baka abutin pa ako dito ng syam syam. Nandito na pala ako. Pagpasok ko doon. Yung nurse agad ang bumungad sa akin.
Nag aayos sya ng mga bed sheets na puti at teka lang, nasaan si Nathan?
"Aahhh miss, may pasyente po ba kayo dito na lalaki, medyo matangkad, maputi, medyo singkit, at saka po nakasalamin?"usisa ko.
"Ah, opo ma'am. Kaso umalis na po sya eh, kanina lang"
"Talaga miss? May kasama ba sya?"
"Ha? Wala po ma'am. Pagkatapos pong umalis nung dalawang lalaki dito na kaibigan nya yata, umalis na din po sya. Eh ma'am kaano-ano nyo po ba ang pasyente?"
"Kaibigan ko sya....bakit?"
"Eh kasi ma'am naiwan nya po itong basag na salamin nya oh...."sambit nya bago iabot sa akin yung salamin ni Nathan.
Kung wala syang salamin, pano na yon?
"Ah, sige thank you po miss.."
"Thank you din po..."
Pagkatapos non ay dali dali na akong lumabas ng clinic at tumakbo na papuntang room. Kaso biglang...
*BLAAG!*
Aray!
Tumayo na ako mula sa pagkakabangga ko sa isang estudyante.
"S-sorry ha?"sambit ko.
"What the-sino ka ba ha?! Kilala mo ba ang binabangga mo?!"Sigaw nito sabay tayo. Si Loona, the impakta...
"Sorry na nga diba?"
"Sorry? Akala mo ba maibabalik mo ang nangYari dahil dyan sa mga pa sorry sorry mo? Palibhasa kasi, basura! Pakalat kalat!hindi mo ba alam na kanina pa nagsimula ang afternoon subjects!"
Kanina pa?
"Kung ako ang pakalat kalat dito na parang basura, Anong ginagawa mo dito?"sarkastiko na sambit ko.
BINABASA MO ANG
Bloody University 2:When The Blood Returns
Mystery / Thrillerthe continuation begins! Date started: jυne 6, 2018 Date finished: august 10, 2019