Chapter 31: Killer

321 20 0
                                    

Sky's POV

Nanginginig ang buo kong katawan. Ewan, basta ang alam ko, hindi para sakin ang lugar na to. Pero nandito si Nathan. Kaibigan namin. Kailangan namin sya.

Kahit nag aalangan, unti-unti akong lumapit sa gate nang biglang may humawak sa pulsuan ko dahilan para magitla pa ako.

It's Hunter...

"Anong ginagawa mo dit-"di ko pa tapos ang sasabihin ko nang bigla nya akong hinatak papaalis sa lugar na iyon. Kinaladkad nya ako hanggang sa makarating kami sa widespace.

"Bitawan mo nga ako Hunter masakit!"pilit akong bumibitaw at hayun, bumitaw na sya.

"Anong ginagawa mo don?!"sabay naming tanong.

"N-nakita ko si N-nathan."sambit ko dahilan para mag angat sya ng tingin. Namilog ang mga mata at bakas ang pagkagulat sa mga mata nya. Kilala ko si Hunter. Mas madalas silang magkasam ni Nathan nung mga bata ka kami. Napagkakamalan namin silang magkapatid dahil lagi silang sanggang dikit.

"S-si Nathan?"tumango ako.

"Pumasok sya sa bakal na gate yun ang nakita ng dalawang mata ko."

"Sigurado ka bang si Nathan yon?"napakurap pa sya ng ilang beses at tumingin sa harapan saglit. Saka ibinalik sa'kin ang tingin."Hindi ka ba namamalik-mata lang?"muli akong tumango. At umupo sa isang bench.

Umupo din sya at muling tumingin sa malayo.

Nag-aalala ako para kay Nathan. Pero doble yata nang pag-aalala ang nararamdaman ni Hunter para ka'y Nathan kaysa sa'kin. Lumaki si Hunter na hindi masyadong nakaranas ng pagmamahal ng magulang. Laging may trabaho, nasa malayo at kung uuwi, madalang. Minsan, hindi din nakakapunta ang mga parents nya at pinapadalhan nalang sya ng mga materyal na bagay na itinatapon din naman ng tukmol na si Hunter.

Nakatingin lang ako sa mukha nya. Pinagmamasdan ang bawat anggulo. Mula sa mata at matangos na ilong habang naka poker face.

Those lips....

ANO BA SKY! TUMIGIL KA NGA!

>>>

After naming mag usap ni Hunter kung saan saan. Napag desisyonan nyang wag nalang naming hanapin si Nathan. Bakit kaya? Ewan ko din.

Kahit labag sa'king loob. Mas makakabuti daw kay anathan na wag na namin syang hanapin dahil ayon sa sulat na natanggap nya. He's okay...

Sinabi din nya sakin na pangalagaan ko daw ang sarili ko sakalaing may mangyaring gulo kasi hindi naman daw laging nandyan sila para sagipin ako. I'm careless and I know it...

Nakalipas na ang dalawang linggo pero kahit communication sa mga kaibigan ko. Nawala. Tinataguan ba nila ako? Hindi na sila nagpaparamdam sakin. Mas lalong dumami ang isipin ko. Pumupunta ako sa section nila kaso hindi ko na sila naabutan. Sabi ng mga kaklase nya naka-alis na daw. Parati nalang ganon.

After few days tuluyan na akong nawalan ng ganang hanapin sila. Gabi gabi napapaiyak nalang ako sa unan ko. Umaasang babalik pa sila. Nakatatak na siguro sila sa isip ko dahil hindi ko sila makalimutan. Kahit anong gawing paglilimot ko. Wala, there's no sense.

Bloody University 2:When The Blood ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon