Kevin's POVHindi ko ginusto ang nangyari kay Kim, lubos ko iyong pinagsisisihan. Kung pwede ko lang ibalik ang oras ay ginawa ko na. Hindi ko ginustong barilin at patayin sya. Ayoko lang syang makitang nahihirapan. Hindi ko ginustong gawin yon. At ang masama pa nito maraming nakakita sa ginawa ko at sakin na panigurado ang atensyon nila. Masama na akong tao sa paningin nila. Madumi na ang pangalan ko.
Ang gusto ko lang naman ay iligtas si Kim, ano bang masama doon? Pero ayun nga lang. Huli na ako. Nasusunog na sya nung maabutan ko...
Flashback...
Dali dali akong umalis sa gubat na iyon at bumalik ako agad ng BU. Dumaan ako sa likod ng library para mas madali na akong makapunta sa field. Saulo ko na ang mga pasikot sikot dito kaya hindi na mahirap sa akin ang tumakas kapag kinakailangan.
Kasalukuyan ko nang tinatahak ang mahabang pasilyo at pagkatapos non ay deretso na ako sa field. Doon naman bumungad sa akin ang isang taong hindi ko inaasahang ganito ang mangyayari sa kanya...
"AAAAAAH! TULOOOONG!"sigaw Kim habang tumatakbo na hindi alam kung saan pupunta.
Nasusunog ang buong katawan nya at nauubos na rin ang buhok nya. Tuklap tuklap na rin ang balat nya at kapag nakikita ko lahat ang mga nangyayari sa kanya...nasasaktan din ako.
"K-kim..."mahinang bulong ko at hindi inaasahan ang pagpatak ng luha sa mata ko.
Ayoko syang nakikitang ganyan kaya binaril ko nalang sya.
Labag man sa loob ko, pero hindi ko talaga kayang mamatay sya nang ganyan. Parang unti-unting pinupunit ang puso ko.
"Grabeh sya..."
"Nakakatakot..."
BINABASA MO ANG
Bloody University 2:When The Blood Returns
Mystery / Thrillerthe continuation begins! Date started: jυne 6, 2018 Date finished: august 10, 2019