Sky's POV
Dalawang araw matapos ang pagkamatay ni Reighn ay parang naging normal na muli ang lahat. Ngunit hindi pa rin ma-digest ng isipan ko yung nakita ko. Lahat ng mga nangyari. Lahat lahat.
Nakahiga si Reighn sa sahig at tusok-tusok ng pira-pirasong salamin ang buong katawan nya. Kapansin-pansin din yung dress na suot nya. Nilalanggam din ang buong katawan nya. Gross.
Naiinis ako sa kanya ngunit mas umapaw yung emosyon ko. Yung awa ko para sa kanya. Oo alam kong maldita ang babaeng 'yun pero napakahalaga sa 'tin ng HUMANITY!
Back to the reality. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon ni Neo papasok sa classroom namin. Di ko kasabay si Nathan dahil nauna na. At here we go again. Mukhang ma-lalate pa yata.
"This is all your fault..."
Ayy taena, kasalanan ko pa?
"Ako? Kasalanan ko pa? Eh sino kayang hindi bumabangon ng maaga?"
"Ikaw..."
Ayy ang galeng... pero may point sy—AYY HINDE! Parehas kame!
Di nagtagal at narating na namin yung room. Kapansin-pansin na kakaunti nalang kami. Nakakapagtaka lang din na wala pa si Sir Charlie ngayon. Umupo na rin kami sa aming puwesto pagkatapos.
*---*
Pagkatapos ng isang normal na pang-umagang klase, deretso na dapat kami ni Nathan sa cafeteria kasi dun yung spot namin.
Nagsilabasan na yung iba ko pang kaklase kaya naman lalabas na rin siguro ako. Medyo nakakaramdam na rin kasi ako ngayon ng gutom.
"Tara na Sky..." Tawag sa'kin ni Nathan na kasalukuyang papalabas na ng room.
"O sige mauna na kana... susunod ako..." Sagot ko naman.
"Sige...ikaw bahala!" Tapos naglakad na sya papalayo.
Habang inaayos ang laman ng backpack ko, bigla kong napansin sa kanyang upuan si Luxineo habang kumakain ng apple. Minsan, masasanay ka na rin na makikita syang ganyan.
Ewan ko pero kapag nakikita ko syang 'ganyan'...yung nakikita ko syang mag-isa, nakikita ko yung sarili ko sa kanya. Mag-isa lang ako sa bahay. Ipinapagkasya yung naiwang pera ng mga magulang ko na halos maubos na sa pang araw-araw kong gastos. Nakakalungkot kayang maging mag-isa.
Pagkatapos ayusin yung backpack ko, isinakbit ko na ito sa balikat ko't aalis na. Lalabas pa lamang ako ng pintuan nang bigla 'syang' nagsalita na nakapag-patigil sa 'kin sa paglalakad.
"We need to talk. Same time. Same place..."
Agad nag-register sa utak ko kung ano yung sinasabi nya. Ibig sabihin... 10 pm ulit? Sa garden?
Itinaas ko naman yung kamay ko bilang pagsang-ayon tapos umalis na ako ng classroom.
Ano naman kayang pag-uusapan namin? Tungkol kaya dun sa sinasabi nya kanina na hindi natuloy? O baka naman—
BINABASA MO ANG
Bloody University 2:When The Blood Returns
Misterio / Suspensothe continuation begins! Date started: jυne 6, 2018 Date finished: august 10, 2019