Chapter 26: Knock

324 18 1
                                    

Sky's POV

Nakakainis lang na ang daming tanong sa isip ko na hindi ko naman kayang sagutin. Wala akong masagot kahit isa sa mga tanong na ito. Gustto ko nalang maging mushroom!

Kasalukuyan akong nasa widespace at pinagmamasdan ang pag lubog ng araw habang nakaupo sa isang bench dito. Maghahating gabi na ngunit hindi pa rin natunog ang kampana kaya wala akong dapat na ipag-alala.

Nasa ganoon akong sitwasyon nang biglang nakita ko sa di kalayuan si Loona na naka earphone at naglalakad papunta sa direksyon ko. Mapapansin mo din sa kanyang sumasabay sya sa tugtog at ngunit parang may mali...

Malungkot ang mukha nya at parang gusto nang bumagsak ng luha sa kanyang mga mata.

Di din nagtagal at narating na nya ang pwesto kung saan ako nakaupo. Umupo sya sa tabi ko at..

Saka sya umiyak habang naka patong ang noo nya sa balikat ko.

Hindi kami close pero alam ko kung gaano kasakit ang nararamdaman nya. Sa bawat hikbi nya, at sa bawat hagulhol nya sa balikat ko.

Napatingin naman ako sa kanya at kahit hindi kami close, tinanggal ko yung headset nya at hinagod ang likod nya. Taka ko naman syang tinignan.

"Sky tulungan m-mo ako...."umiiyak na sambit nya nang inangat nya ang ulo nya sa balikat ko.

"H-ha? Bakit ako?"

"A-ayaw mo?"

"H-hindi naman sa ayaw ko pero—"

"Thanks..."huling salitang binitawan nya bago umalis sa paningin ko.

Ang weird nya ngayon at mukhang may pinagdaraanan sya. Naawa ako sa kanya pero naawa din naman ako sa sarili ko no! Dami ko kayang dapat gawin.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon, napagtanto kong gabi na pala at saka palang tumunog ang buzzer.

Ayy teka lang....

Buzzer?

Ibig sabihin, kanina pa nag tunog ang kampana?  Bakit hindi ko narinig?

Tumayo na ako sa aking kinauupuan at nagsimula nang maglakad.




----

Kasalukuyan na akong naglalakad dito sa hallway nang makita ko sa di kalayuan si Neo.

Sa dami dami nga naman ng taong pwede mong ma meet eh itong letse pang ito. Sabagay, iisa ang school na pinapasukan namin. Gayon din ang dormitory kung saan kami nandodoon. Kaya sa ayaw at sa gusto namin, magkikita at magkikita kami. Pero gosh! Sana naman hangga't maari, ilayo nyo po ang mga landas namin!

Papalapit sa direksyon ko si Neo at may dala dalang.....tao?

Teka, si Fritzy ba yun? Yung binubuhat nyang mala bridal style?

Oo ngaaaa!!!!


Agad akong tumakbo papalapit sa kanila.

Bloody University 2:When The Blood ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon