Ella's POV
A DREAM!!!
Napa-balikwas nalang ako ng kama nang pumasok sa isip kong isang panaginip lamang ang lahat. Sumakit bigla yung ulo ko kaya agad ko itong hinimas.
Napatingin naman ako sa kama ko at napansing naroroon pa yung litrato ni ate Cielo.
Akala ko totoo na.
Akala ko makakasama ko na ulit sya. Ngunit mali ako...
Naiinis ako!
Naiinis ako sa sarili ko!
Hinayaan ko lang syang umalis at maglayas lang sa bahay namin noon.
Kasalanan mo 'to lahat Ella!
Sa di ma-ipaliwanag na dahilan, unti-unting nanlambot ang tuhod ko dahilan para ika-bagsak ko sa sahig. Nag-iinit ang gilid ng mata ko ngunit kung iiyakan ko pa 'to, ipapamukha ko lang na mahina ako... na wala akong kwenta.
Sa halip, tumayo nalang ako at lumabas na ng kwarto ko para makapag-ayos dahil may klase pa mamaya.
Sky's POV
Panibagong araw na naman! Ang sarap talagang humikab!
AHHHHHHHH~
Napatingin ako sa kama ni Nathan at napansing wala na sya doon. Ang aga naman nyang magising.
Lumabas na ako sa kwarto't naabutan nalang si Luxineo na inaayos yung necktie nya dun sa harap ng salamin.
"Good morning langit ko~"
WTF!?
"H-ha?"
"Hakdog..."
"Tss..."tapos inirapan ko sya't dumeretso na sa banyo para maligo. Nadinig ko pa ngang tumawa si palitaw dun sa salas pero di ko naman yun pinansin.
Pagkatapos maligo, sumilip kuna ako kung may tao o wala sa labas. Naka tapis lang kasi ako, baka makita ang magandang hubog ng katawan ko—charot! Baka kasi may tao pa sa labas.
Kakahiya!
Nang mapansin kong wala namang tao, agad akong dumeretso sa kwarto ko't nagbihis. Then after, lumabas na ako.
Wala nang tao dito sa dorm!
Late na akooo!
Pagkabukas ko ng pintuan ng dorm—
AYY PALITAW!
Pano ba kase? Mukha agad ni Luxineo ang nakita ko. Nakasandal sya sa pader katapat lang ng pintuan ng dorm.
"Anong tinatayo-tayo mo dyan?"taas kilay kong tanong.
Hindi naman nya yo'n sinagot at saka nya itinaas yung backpack ko!
NALIMUTAN KO YUNG BACKPACK KO!
BINABASA MO ANG
Bloody University 2:When The Blood Returns
Mystery / Thrillerthe continuation begins! Date started: jυne 6, 2018 Date finished: august 10, 2019