Chapter 39: Breath

266 17 1
                                    

Ella's POV

Naaayon ang lahat sa mga plano ko. Kumakagat naman sila. Mga t*nga! Hahaha!

Dinala ko sa pag-arte ang pagpapaawa ko kay Ms.Levi na mukhang paniwalang-paniwala sa 'kin. Bigla nalang tumalim ang tingin ni Ms.Levi kay Dave.

"M-ms.Levi, please help me. B-balak nya akong pagsamantalahan!"sambit ko pa at pilit na umiyak para mas maka-totohanan.

"Fvck you Ella! Ano bang pinag-sasabi mo dyan?! Ikaw ang gustong pumatay sakin!—"

"Shut up Mr.Bornea. Or else baka makarating pa ito sa kina-uukulan. Pumunta ka sa office ko before eight o'clock. Paguusapan natin 'to. And you Ms.Fortiz, bumalik ka na sa dorm nyo. Magpahinga ka. Ako na ang bahala dito."

"T-thank you po..."sagot ko naman saka umalis ng lugar na iyon.

Agad kong pinunasan ang luha sa aking mga mata. At sa halip na pumunta ako sa dorm namin, pumunta nalang ako sa widespace para makapag-isip kung ano ang susunod kong plano.

Umupo ako sa isa sa mga bench at pinag-patong ang dalawang hita ko.

Hindi pwedeng kumalat na ako ang pumatay kay Cherry. Hindi nila pwedeng malaman dahil kailangan ko munang itago ang sarili kong pagkatao. Killers must hide themselves. And innocents must find the truths. Feeling detectives will spill the oil if they know who's the killer. So i will hide myself too.

Siguro, kailangan na kitang mapatumba ngayong gabi Dave. Bago mo pa maikalat ang lahat, dapat wala ka na sa mundo...

3rd Person's POV

Kasalukuyang nag-iisip ng susunod nyang hakbang si Ella na tuwang tuwa pa sa nangyayari. Sa kabilang banda, naglalakad ngayon si Dave papunta sa office ng T.I.C.

Malaki ang galit nito kay Ella dahil sa mga sinasabi nya kanina. Nais nyang gumanti dito ngunit hindi nya alam kung paano. Sa halip, inisip na lang nya kung papa-ano magpapaliwanag kay Ms.Levi.

Habang naglalakad, napapansin na ng binatang may nagmamasid sa kanya. Lumingon-lingon ito sa paligid ngunit wala naman itong nakita ni anino ng isang tao. Naisip nyang marahil ay nagtatago lamang ito ngunit naisip nya ring baka guni-guni nya lang kaya nagpatuloy pa rin sya sa paglalakad.

Nang makarating sya sa office, huminga muna ito ng malalim bago pihitin ang doorknob ng silid.

"Take your seat Mr.Bornea."agad na sambit ni Ms.Levi na itinuro pa yung upuan.

Umupo naman ang binata ayon sa utos ng T.I.C.

"Ipaliwanag mo nga sa akin ang lahat."at nagsimula na ang kanilang pag-uusap.

Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap, patuloy lang sa pagpapaliwanang ang binata ngunit hindi naman sa kanya naniniwala si Ms.Levi. Ipinaliwanag nya rin dito kung bakit gano'n na lamang ang ikinikilos ni Ella ngunit kahit pa yata anong paliwanag ang gawin ng binata, hindi pa rin nya napaniniwala ang T.I.C. Sa huli, galit na umalis ang binata na hindi alam kung saan pupunta.

Bloody University 2:When The Blood ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon