Chapter 11: Conflict

451 35 1
                                    


Sky's POV

Hindi pa rin talaga ma digest ng isip ko yung ginawa ni Kevin. Bakit nya ginawa yon? Hindi ko alam kung anong rason at kung para saan. Hindi ko rin alam ang tunay na dahilan.

Tumunog na kanina ang buzzer. Tanda lang na tapos na ang oras ng pagpatay.

Kakalabas ko lang ng classroom namin dahil lunch na. Hindi ko na dinala yung maliit na backpack ko dahil baka pagtawanan lang ako at wala din namang kayamanan doon para dalin ko pa.

Mabigat pa rin sa loob ko yung pagkamatay ni Kimberly dahil kahit sa maigsing panahon na nakilala ko sya. Naturing ko na rin syang isang tunay na kaibigan dito sa impyernong lugar na ito. Nag-iwan na rin sya ng marka sa puso ko sa maikling panahong iyon. Nakakalungkot mang isipin pero yun ang totoo.

Sabi nga nila, Truth Hurts...

"Oh look, nandyan na yung taksil...."

"Oo nga, balita ko, sya daw ang dahilan kung bakit namatay si Kimberly."

"Oo nga no? Baka kasabwat pa nya yung lalaki"

"Ang pangit nya, hindi sya nababagay dito.."

"Eeew."

Dinig kong bulong bulongan sa paligid. At teka lang, sino ba ang may sabing gusto ko dito?

Hindi ko na masyadong pinansin pa ang mga yon dahil sanay na naman ako at nagtuloy nalang sa paglalakad. Bubulong pa, kinig din naman....pfft.

Maya maya pa nang matanaw ko sa di kalayuan sina Xian at thunder. Nahagip naman nila ako ng tingin kaya tumakbo sila papalapit sa akin bagay na ikinatuwa ko kahit papaano.

"Musta na kayo?"panimula ko at nagsimula na ulit kaming maglakad.

"Okay lang, ako dapat ang magtatanong nyan eh...."bakas sa boses ni Thunder ang hingal.

"Eh sinabi ko na eh.."

"Actually, galing kaming clinic, binisita namin si bookworm."sambit ni Xian.

Ay oo nga pala, si Nathan...

"O? Kamusta na daw pala sya?"

"Uhmm...gising na sya pero bukas pa yata makakaalis. Dun na rin yata magpapalipas ng gabi."paliwanag ni Thunder.

Bloody University 2:When The Blood ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon