Chapter 32: Unknown Number

325 19 0
                                    

Sky's POV

Pagkatapos akong kausapin ni Miss.
Levi tungkol daw dun sa mga assignment kong hindi ko pa nagagawa. Umalis na ako sa office nya.

Oo. Yes. Galing ako don. Lutang akong sumama sa kanya kanina dahil guato nya daw akong kausapin pero wala talaga akong balak sumama.

Gusto ko nang magpahinga!

Sariwa pa sa aking isipan lahat lahat! As in pamula nung hindi nagpapakita ang mga kaibigan ko sakin. Hanggang sa nakapatay ako.

Naaalala ko pa nga yung sinabi sa'kin ni Miss Levi sa office nya eh. "If you kill a killer, the number of killers of the world remain the same."

Ngayon lang talaga nag sink in sa utak ko ang lahat. I wish I can commit suicide. Kaso hindi ko magawa. Gagawin ko palang pero pumapasok na agad sa isip ko ang mga kaibigan ko.

Pag nagpakamatay ba ako ,maaala ba nila ako?

Ewan. I don't know either.

Palakad-lakad lang ako sa hagdan papunta sa dorm habang sipa sipa ang maliit na bato nang makarinig ako ng mga yabag di kalayuan pamula sa kinakatayuan ko.

Napatigil ako sa paglalakad. Namumuo ang pawis. At damang dama ang malamig na simoy ng hangin.

Maya maya pa nang makarinig ako ng tinig sa kasunod na palapag.

"Bilisan mo."

Yung boses na yun. Saturn!

Agad akong tumakbo paakyat ngunit huli na. Wala akong nakitang Saturn. Ni anino nya wala.

Bagsak ang balikat na nagpatuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang dorm. Maingat na binuksan ang pinto at mabilis na isinarado.

Napatingin naman ako sa wall clock at hating gabi na. Hindi ko na namamalayan ang oras.

Marahan akong naglalakad papunta sa kwarto ko nang biglang kumulo ang tyan ko.

Hayyst.

Sa halip, tumuloy pa rin ako sa kwarto ko at humiga sa kama.

After a few minutes...

Hindi ako makatulog !Gusto ko nang matulog pero parang minumura na ako ng sikmura ko.

Gutom is real.

Agad akong napabalikwas sa kama at dahan dahang tinungo ang mini kitchen dito .Syempre tumingin tingin pa ako sa gilid baka may gising pa.

Yes! Wala!

Binuksan ko yung ref at parang nabuhayan ako nang loob nang makitang puno ang ref!

Pero may isang pagkaing kumuha ng atensyon ko. Yung apple!

Agad ko yung kinuha at—

"Akin yan."

Eh?

Napatingin ako sa likod ko at si...palitaw!

Bloody University 2:When The Blood ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon