Chapter 18: Sleepless Night

399 23 6
                                    


Sky's POV

Yung feeling na kanina pa dapat matakot? Dapat nga ba? Pamula nung ina-nnounce kanina yung death marathon na yun. Parang sinapian sila ng multo na ang ibang estudyante. Ang gulo no?

Tatlong oras na ang nakalipas at 30 minutes nalang, uwian na—este...alisan na.

Umalis muna si Miss Janice Baltazar, Grade 7 teacher sa room namin dahil ina-nnounce lang naman nya na may meeting lahat ng mga teachers kasama na ang mga TIC. Akala ko nga iilan lang silang mga guro dito sa BU. But it wasn't. Mahigit 50 teachers ang nandito. Kaso sa isang building pa yung iba.

Bale dalawa yung building ng BU. Yung isa kung saan kami naka-stay at nag-aaral, mukhang lumain na na piniturahan lang ulit. Yung isa naman, mukhang bagong gawa dahil ang linis pa ng mga pader. Pero mas mataas naman ng two storeys ang building namin kesa sa kabila.

Back to reality. Kasalukuyan kaming magkakaklase na nakikipagharutan na sa bawat isa. Kanya kanyang mundo na sila. Sa una lang talaga sila tahimik.

Oo, maingay kasi ang maingay naming section pero hindi naman masyadong maingay. Tipikal lang ang lakas.

Ako naman, eto parang wala na naman sa wisyo na nakahalumbaba lang habang pinapanood ang mga bawat galaw ng mga kaklase ko.

"Ang ganda ko!"

"Kapal mo Loona, mahiya ka nga!"

--

"Uy alam mo ba na si margerette corpuz daw ay may kinakalantari na at worst...grade 7 pa ang pinatulan nya...."

"She is just a slut! Duh!"

"Pedo.. Ahahaha."

"Tama ka girl..."

--

"Kamusta na nga pala kayo ni Krass? Krass mo pa rin ba?"

"Ahiihihi, oo nemen..."

"Gaga! Meron nang iba! Ang bagal mo eh Hahaha!"

Tss....kung peron lang talaga ako ditong stapler, kanina ko pa pinag-iisteypler ang mga bunganga nitong mga kaklase ko.

Haaay,! Gusto ko nang mag uwian! Gusto ko nang mahiga nalang sa kama. Tas matulog.

Ang totoo kung bakit ako nagkakaganito, ay dahil nagaalala ako kay Nathan. Pero parang nawawala namang parang bula iyon kapag may panibagong kababalaghan na naman ang pumupukaw ng atensyon ko. Hindi ako sanay ng ganito! Parang may kulang pag wala sya.

Nasan ka na ba?

Inis kong niligpit ang syllabus ko at inilagay itong muli sa aking bag.

Bloody University 2:When The Blood ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon