Chapter 04

754 27 3
                                    

Chapter 04:

For the first time in my life, muntik na akong ma-late sa klase, mabuti na lang at wala pa ang teacher namin pagdating ko sa classroom

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

For the first time in my life, muntik na akong ma-late sa klase, mabuti na lang at wala pa ang teacher namin pagdating ko sa classroom.

Nothing unusual or weird happened while I was in class bagay na ipinagpapasalamat ko. I need to focus on my studies once in a while, lalo na at hindi lang sa pagiging student council president umiikot ang buhay ko. I also have to study and maintain my grades as the top student in my year level.

Pero pagkatapos ng klase muli ko na namang naalala ang mga bagay na bumabagabag sa akin kaya muli kong binasa ang mensaheng natanggap ko kanina.

Why the hell would he ask me if I like blood? Naalala ko na naman tuloy yung senend ni Ginny na putol na braso ni Leslie sa GC namin kaninang umaga.

Habang pilit kong iwinawaksi ang imahe ng naputol na braso ni Leslie sa aking isipan, isang bagay ang bigla kong naisip. Paano kung ang taong kumuha ng mga pictures ni Leslie at ang taong nanggugulo sa akin ay iisa?

It makes sense lalo na at pareho naman silang mukhang may sayad.

"Bye Channel" paalam sa akin ni Ginny.

"Bye" tipid na sagot ko.

Karamihan sa mga estudyante ay nagsisi-uwian na. Dati madalas akong mag-overtime sa SC office but with the way things are right now, its not safe for me to do so kaya napagpasyahan kong umuwi na din.

Hindi ganun kalayo ang bahay namin sa school, kung susumahin parang sampung kanto lang ang pagitan nito kaya naglalakad lang ako sa tuwing pumapasok ako at umuuwi.

Habang naglalakad ako nakatanggap na naman ako ng mensahe mula sa numerong yun.

0908-xxx-xxxx:

Hindi nakikita ang mukha ng babae sa larawang ipinadala nya pero alam kong ako yun at alam ko ding ngayon kinunan ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi nakikita ang mukha ng babae sa larawang ipinadala nya pero alam kong ako yun at alam ko ding ngayon kinunan ito.

Nagpatuloy ako sa paglalakad na para bang wala lang sa akin yung ipinadala nya pero pasimple ko syang hinahanap. Walang tao sa harap ko kaya pasimple akong lumingon sa likuran ko pero wala din naman akong nakitang ibang tao.

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon