Chapter 10

627 26 1
                                    

Chapter 10:

After doing my daily routine at the SC office I decided to go to class

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


After doing my daily routine at the SC office I decided to go to class. As I walk, I can't help but notice the vast majority of students who are staring at me, para bang hindi sila makapaniwala na nandito ako sa school ngayon.

Pagdating ko sa classroom, the same scenario greeted me. All my classmates are staring at me, merong masama ang tingin sa akin at meron ding halatang nakiki-usyoso lang.

Hindi ko sila pinansin. I acted like nothing is going on. Kung tutuusin wala naman talagang nangyari. I am not in a relationship with Vlad, sila lang ang nag-iisip nun.

A few minutes after I arrived, dumating nadin sina Ginny at Annie at halos kasabay lang din nila ang teacher namin. Agad nitong sinimulan ang klase kaya pansamantala kong nakalimutan ang mga issue na kinaka-harap ko ngayon.

Pagkatapos ng klase dumiretso ako sa cafeteria. Pagpasok ko, bumungad kaagad sa akin ang mga mapanghusga nilang mga mata pero katulad kanina hindi ko sila pinansin bagkus ay dumiretso ako sa counter para um-order ng pagkain.

Um-order ako ng isang orange juice at isang sandwich pagkatapos nito ay umupo ako sa upuan na malapit sa bintana kung saan wala masyadong estudyante.

I ate in silence, halos madaliin ko na nga ang pagkain ko, naaalibadbaran kasi ako sa mga matang nakatitig sa akin, not to mention the fact that I can hear them talking as I eat.

"Inagaw nya sa akin si Vlad!"

"Maganda nga sya pero balita ko pangit naman ang ugali nya, kawawa lang sa kanya si Vlad"

"Wag ka nang umasa, she's one of them now, kita mo nga at nandun na sya ngayon"

"Ayan na sila!"

"Ang gwapo talaga nila"

Amidst the negative comments I heard something that caught my attention. Ayan na sila? Sinong sila? Are they talking about Vlad and his cousins?

Mukhang tama ang nasa isip ko dahil makalipas lang ang ilang minuto, mas lalong lumakas ang sigawan at magkakasunod na pumasok sina Vlad, ang pinsan nyang si Draco, Draven, Gray at ang girlfriend nitong si Antoinette.

Seeing them up-close, masasabi kong nakaka-intimidate sila lalo na kapag magkakasama silang lima. There is something about their aura that I find uncomfortable.

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon