Book 1 of the "Devil's on Earth Series"
If one would describe Channel Monteverde, the word perfection comes to mind. She is beautiful, she is an outstanding student and she is the Student Council President. Everyone looks up to her, everyone envies...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Hey, alam mo na ba ang latest? One of our schoolmate is missing"
"Really? Anong pangalan nya?"
"Minnie Lou?"
Pinapakinggan ko lang sina Ginny at Annie habang seryoso silang nag-uusap.
Kalat na sa boung school ang pagkawala ni Minnie Lou at kasalukuyan na din syang pinaghahanap ng mga pulis.
Too bad for them dahil kahit na libutin pa nila ang boung pilipinas hinding hindi na nila ito makikita. Minnie Lou is dead after all and she is buried deep into the ground, baka nga inuuod na sya doon ngayon.
"Hindi ka ba nagtataka Annie? Parang lagi na lang may nangyayaring hindi maganda, una nadisgrasya si Leslie tapos sunod namang namatay si Mam. Cruz tapos ngayon naman may nawawalang estudyante"
"Kaya nga! Nakakatakot na!"
"Anyway, may lead na ba ang mga pulis sa pagkawala nya?"
"Wala parin yata"
Hinayaan ko lang silang mag-usap kahit na ang totoo nyan rinding rindi na akong marinig ang pangalan ni Minnie Lou.
I hate that name. I hate her name.
Mabuti na lang at may kumatok sa pintuan kaya pansamantalang natigil yung dalawa sa pag-ku-kwentuhan nila.
Since wala naman akong ginagawa and since hindi naman talaga ako parte ng conversation nila, ako na ang tumayo para magbukas ng pintuan.
I was expecting some random student but to my utter disbelief it was Vlad who is standing before me.
"A-anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko.
Sa pagkakatanda ko wala naman kaming usapang dalawa at nakaschedule pa kaming magkita mamayang lunch break.
"I miss you" seryosong sagot ni Vlad.
Should I say that I miss him too? Bago pa ako makapagbigay ng kasagutan bigla nya na lang akong hinila at binigyan ng mabilis na halik sa labi.
What the heck!
I can feel my face burning because of what he did, hindi rin ako makatingin ng diretso sa kanya. Hindi ito ang unang pagkakataon na hinalikan nya ako pero aaminin ko hanggang ngayon kakaiba padin ang kabang idinudulot ng mga halik nya sa akin.