Chapter 18:
"Vlaaaaad!"
Feeling ko mapapatid na ang vocal chords ko dahil sa lakas ng sigaw ko. What seemed like a seemingly harmless ride became a traumatic experience.
Traumatic dahil first time kong sumakay sa motor, sa napakabilis na motor. Pakiramdam ko naiwan yung puso ko dun sa may parking space ng convenience store.
I don't know what got into me. When he ask me if I wanted to go home or if I were up for a ride I said yes to the latter.
Sumakay ako sa motor nya ng hindi pinag-iisipang mabuti ang desisyon ko.
"Saan ba tayo pupunta?!" Sigaw ko pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Masyadong malakas ang hangin dahil na rin sa bilis nyang magpatakbo kaya hindi nya siguro ako naririnig.
Mas hinigpitan ko na lang ang pagkakayakap ko sa kanya at ipinikit ko ang mga mata ko. Wala na akong pakialam kahit na magkadikit na ang mga katawan namin. I am holding on for dear life!
Makalipas ang ilang minuto ng pakikipagpatintero kay kamatayan, huminto na din kami sa wakas. Agad kong iminulat ang mga mata ko pero hindi pamilyar sa akin ang lugar na kinaroroonan namin ngayon.
Nasa mataas na lugar kami at napakalamig ng simoy ng hangin pero ang nakakamangha talaga ay ang tanawin na nasa harapan ko.
The stars are shining brightly above while the city lights below looked like a reflection of it.
BINABASA MO ANG
Twisted
Mystère / ThrillerBook 1 of the "Devil's on Earth Series" If one would describe Channel Monteverde, the word perfection comes to mind. She is beautiful, she is an outstanding student and she is the Student Council President. Everyone looks up to her, everyone envies...