Book 1 of the "Devil's on Earth Series"
If one would describe Channel Monteverde, the word perfection comes to mind. She is beautiful, she is an outstanding student and she is the Student Council President. Everyone looks up to her, everyone envies...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I feel like a zombie right now. Dalawang oras lang ang tulog ko, kulang na kulang kung tutuusin.
But I was happy.
Vlad and I ate in his favorite japanese restaurant and after we ate, we roam around the city. Mag-uumaga na nung mapagpasyahan naming umuwi na.
Kahit na puyat ako naka-program na ata talaga sa katawan ko na gumising ng maaga. Naka-mindset na kasi sa akin na bilang student council president kailangan kong pumasok ng maaga kaya kahit dalawang oras pa lang ang tulog ko napilitan akong bumangon na.
Paglabas ko ng bahay nagulat ako nung makita ko si Vlad, naka-helmet sya habang nakasandal sa motorsiklo nya.
"A-anong ginagawa mo dito?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Sinusundo ka" tipid na sagot nya.
"Pero bakit?"
"Wala ng masyadong tanong, come here"
Hindi na ako nangulit pa, I did as I was told, lumapit ako sa kanya at nung makalapit na ako, isinuot nya sa akin ang helmet na dala dala nya.
"Tara?" Tanong nya.
"Sige" sagot ko.
Sumakay na sya sa motor nya at dahil naka-skirt ako, pa-sideview ang naging upo ko. Yumakap din ako sa bewang nya para hindi ako malaglag.
Since malapit lang naman ang school sa subdivision namin nakarating kami kaagad sa school. As we were entering the school grounds, some students stared at us and some of them even took pictures.
Mabuti na lang at pumutok na yung issue na may relasyon kami ni Vlad, atleast now I don't need to explain why we are together.
"Are you going to the student council room first or are you going straight to your classroom?" Tanong ni Vlad pagkababa namin sa motorsiklo nya.
"Didiretso na ako sa classroom" sagot ko. Wala naman akong naka-pending na trabaho ngayon sa SC office kaya malaya akong gawin ang gusto ko.
"Okay"
Sabay kaming naglakad ni Vlad papunta sa classroom ko. And as we walk the deserted hallways I suddenly realized something, we are in the same year level but I don't even know where his classroom is.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Huminto kami sa tapat ng classroom ko, may mangilan ngilan ng estudyante sa loob at lahat sila ay natigilan at napatingin sa aming dalawa ni Vlad.
Papasok na sana ako sa loob pero hinawakan ni Vlad ang kamay ko.
"Stay here"
"B-bakit?" Kinakabahang tanong ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang may kakaiba akong nararamdaman sa mga kamay naming magkahawak ngayon. Parang kinokuryente ako na ewan.
"Samahan mo na muna ako. Ma-bo-bore lang ako sa classroom dahil panigurado ako pa lang ang tao dun"
"Nasaan ba ang classroom mo?" Tanong ko.
"Sa dulo" tipid na sagot nya.
Oh. So that explains it.
Kaya pala hindi sya pamilyar sa akin nung una ko syang makita. Hindi kasi ako masyadong nagagawi sa parte na yun kaya hindi pamilyar sa akin ang mga estudyante doon.
Nagpatuloy kami sa pag-uusap, naputol lang yun nung makita ko na paparating na ang teacher ko sa first subject. Magpapaalam palang sana ako sa kanya pero inunahan nya na ako.
"I'll see you later"
"Okay" tipid na sagot ko.
Pumasok na ako sa loob at makalipas lang ang ilang minuto nagsimula na din ang klase at masasabi kong lumipas ang morning period ng ganun ganun lang ng wala man lang akong natutunan.
I was feeling sleepy the whole time kaya hindi ako gaanong nakapag-concentrate sa lessons namin.
Palabas na ako sa classroom nung matigilan ako. Vlad is outside and he seems to be waiting for me.
"Hindi na ako magtatanong kung anong ginagawa mo dito, so saan tayo pupunta?" Seryosong tanong ko.
"Want to eat something?" Tanong nya sa akin.
"Sure" agad na sagot ko.
Dumiretso kami sa canteen and just as I expected 'everyone' is staring at us. I even saw Ginny and Annie amongst the crowd.
Naglakad ako papunta sa table na parang naka-reserve na kina Vlad pero imbes na umupo dito hinila nya ako papunta sa gilid.
"What are you doing? Ayaw mo bang makasama ang mga pinsan mo?" Nagtatakang tanong ko. Wala pa sila pero alam kong paparating na din sila.
"I wan't to keep you for myself" mahinang sagot nya.
"A-ano kamo?" Tanong ko, hindi kasi ako sigurado kung paano ako mag-re-react sa sinabi nya.
"Wala. Ang sabi ko umupo ka na dyan, ako na ang o-order para sa ating dalawa"
Lihim akong napangiti. Kahit na hindi na nya inulit yung sinabi nya, nakatatak na yun sa isipan ko. He wanted to keep me for himself? Konti na lang at baka maniwala na talaga ako.
Habang hinihintay ko ang pagbabalik ni Vlad, I checked my phone for any new messages. I have one pero hindi ko alam kung kanino ito galing.
[1 New Message]
Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang numero ng taong yun.
--- 0908-xxx-xxxx:
Nagseselos ako Channel. :( Gusto mo bang patayin ko sya? Tandaan mo, akin ka lang. ---
Nakaramdam ako ng matinding takot sa nabasa ko, agad din akong napatingin kay Vlad na kasalukuyan ng um-o-order ng pagkain namin.
Seryoso ba sya? Kaya nya bang patayin si Vlad? Siguro oo, hindi naman malabong gawin nya ang bagay na yun lalo na at maihahalintulad ko na sya sa isang baliw.
Pagbalik ni Vlad sa table namin agad nya akong tinanong kung may problema ba ako. Nahalata nya siguro sa mukha ko ang sobrang pag-aalala.
"Read this" sagot ko sabay abot sa kanya ng cellphone ko.
Binasa nya ang mensahe ng taong yun. Ang kaninang masaya nyang mukha ay napalitan ng galit.
"Sa tingin ko dapat mo na akong iwasan Vlad, ayokong madamay ka sa problema ko"
"No"
"No? Hindi mo ba naiintindihan, pwede ka nyang saktan or worse pwede ka nyang patayin"
"Hindi ako natatakot sa kanya Channel. Besides, are you going to let that scumbag dictate your life? This is the very reason why I am here with you right now. I wanted to protect you. Let me protect you channel"
Channel.
⚜️
|Author's Note|
This chapter is dedicated to: AngelikaIlustre
What do you guys think?. Looking forward to your Comments and Suggestions. Also don't forget to like this new story of mine.