Chapter 24

515 20 1
                                    

Chapter 24

"Bakit ba ang tagal nyo? Muntik ng sumugod tong dalawa sa cr, pinigilan lang namin"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bakit ba ang tagal nyo? Muntik ng sumugod tong dalawa sa cr, pinigilan lang namin"

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Draven, kami matagal? Wala pa nga atang limang minuto nung mawala kami.

"Anyway, habang wala pa kayo pinag-usapan na namin ang plano"

"Anong plano?" Agad na tanong ko.

"You see, Gray is a hacker. Kahit na hindi gaanong nagsasalita yan, matinik yan sa pang-ha-hack. Susubukan nyang i-trace ang source ng mga fake pictures nyo and by doing so mas madali nating malalaman kung sino ba ang nagpapakalat ng mga yun"

It didn't come as a surprise to me anymore dahil nasabi na sa akin ni Antoinette ang bagay na yun kanina.

"Actually, nabanggit na kanina sa akin ni Antoinette na hacker si Gray at sya na ang bahala pero matanong ko lang, ilang araw ba ang aabutin ng pangha-hack?" Seryosong tanong ko.

"Kahit kailan talaga ang kill joy mo tonton. Tungkol naman sa tanong mo channel, depende yan sa hacker pero itong si Gray, oras lang ang aabutin. Ang totoo nyan matagal na sa kanya yung dalawang oras" sagot ni Draco.

"Talaga? Then why don't we do it now?" Suhestiyon ko. Hindi sa nagmamadali ako pero gusto ko na kasing malaman kung sino ba ang dapat kung komprontahin at sisihin kung bakit na-i-issue ako ngayon.

"Later" tipid na sagot ni Gray.

Hindi makapaniwalang napatingin ako kay Gray, hindi kasi ako makapaniwala na  nagsalita sya, madalas kasi tahimik lang sya.

Hinintay kong dugtungan nya ang sinabi nya pero mukhang bumalik na sya sa mundo nyang nababalot ng katahimikan. Parehong pareho talaga sila ng girlfriend nyang si Antoinette, bukod sa tipid ng magsalita, minsan hindi mo pa maintindihan.

"Anyway, about what Gray said, ang ibig nya talagang sabihin dun, mamaya na lang sya mang-ha-hack, wala kasi syang dalang laptop at nasa bahay din yung mga software nyang pang-hack" paliwanag ni Draco.

Sabagay may point naman sya. So now everything is settled, Gray will help us find who that person is, ang gagawin ko na lang ay maghintay.

"By the way, me and Draco came up with another brilliant plan"

"Ano yun Draven?" Nagtatakang tanong ko.

"Well, since Gray will be doing all the work tonight, naisip namin, ano kaya kung magkaroon tayo ng mini slumber party. You and Antoinette at our house. Kung gusto nyo lang naman, pero kung ayaw nyo okay lang din"

A slumber party at their house? Me and Vlad sleeping in the same roof? Tinignan ko sya kung ano ang reaksyon nya sa sinabi ni Draven pero parang hindi naman sya interesado sa mga pinag-uusapan namin. Si Antoinette na lang tuloy ang pinagbalingan ko ng atensyon.

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon