Chapter 19

541 22 1
                                    

Chapter 19:

"Who are you running away from Channel?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Who are you running away from Channel?"

"I'm not running away from anyone" pagsisinungaling ko.

"I answered your question so I think its fair that you answer mine"

Napalunok ako dahil sa sinabi nya. Ibig bang sabihin nito nakita nya ako kanina nung tinatakbuhan ko si Tristan? Maybe, otherwise he wouldn't have ask me that question.

Tinitigan ko sya ng mataman. Seryosong seryoso sya habang naghihintay ng sagot ko.

Should I tell him the truth?

Should I lie to him?

I debated the pro's and con's. Kapag nagsinungaling ako maaaring hindi sya maniwala. Kapag nagsabi naman ako ng totoo maaari ding hindi sya maniwala sa akin, baka nga isipin nya pang nababaliw na ako. Maliit lang ang tyansa na paniwalaan nya ako.

There are countless possibilities, but I have to consider the fact that he was honest with me.

"I was being chased by a stalker" diretsang sagot ko.

"A stalker? Since when?"

"It started a week ago or maybe two weeks ago? Hindi ako sigurado pero nagsimula yun nung araw na sinubukan ni Leslie na magpakamatay"

"Leslie?" Puno ng pagtatakang tanong nya.

"Leslie, yung ex-girlfriend ng pinsan mong si Draven. Hindi mo na ba sya natatandaan? Sinubukan nyang magpakamatay sa rooftop ng school building natin, nandoon ka pa nga nung araw na yun"

I can still remember that day, how could I not, yun lang naman ang una naming pagkikita ni Vlad. Kahit na ba hindi pa kami magkakilala nung panahong yun, I consider that as our first meeting.

"Oh that Leslie. The one who died"

Yes, that one who tragically died.

"Well enough with the dead, let's talk about your stalker. How did he stalked you?" Nakakunot ang noong tanong ni Vlad.

Ikinuwento ko lahat sa kanya, mula sa natanggap kong regalo na puno ng mga stolen pictures ko. Ang mga messages at tawag na natatanggap ko mula sa taong yun, pati nadin ang nangyari kanina.

Ang hindi ko lang sinabi sa kanya ay yung hinala ko na baka si Tristan ang pumatay kina Leslie at Mam Cruz. Wala naman kasi akong matibay na ebidensya at maaaring ginamit nya lang ang mga pictures nila para mas takutin ako.

"So you think Tristan is your stalker?"

"Oo, sya lang naman kasi yung may access sa Student Council Office bukod sa amin nina Ginny at Annie. Besides, coincidence bang maituturing na nawawala sya ngayon? Tsaka yung pagsulpot nya kanina, paano mo maipapaliwanag yun?"

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon