Book 1 of the "Devil's on Earth Series"
If one would describe Channel Monteverde, the word perfection comes to mind. She is beautiful, she is an outstanding student and she is the Student Council President. Everyone looks up to her, everyone envies...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Good Morning Ms. Channel"
Nginitian ko ang bawat estudyanteng nakakasalubong ko lalo na ang mga estudyanteng bumabati sa akin pero agad ding naglaho ang ngiti sa mukha ko pagkalagpas ko sa kanila.
It is not easy to smile especially when you don't want to smile but as the Student Council President, I have to do this. Everyone is keeping an eye on me and one wrong move could ruin my entire life.
Dumiretso ako sa SC office pero wala pang tao sa loob pagpasok ko. Hindi na yun nakakapagtaka dahil ako ang pinaka-maagang pumapasok. As the student council president, it is one of my duties to set a good example to my fellow students.
Dumiretso ako sa table ko pero napahinto ako nung makita ko ang isang maliit na kahon na nakapatong dito.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ako ng regalo, halos araw araw may nagbibigay sa akin ng regalo, minsan habang naglalakad ako sa hallway, minsan naman may nag-iiwan na lang sa may paanan ng locker ko.
Kinuha ko ito at inalog, mukhang wala namang kakaibang laman. Could it be from a fellow student council member? Kami lang ang may susi sa kwartong ito at hindi pwedeng pumasok ang mga estudyanteng hindi naman member ng council.
But the real question is, who among my fellow council members gave this and why?
One way to find out, I opened it.
Bumungad sa akin ang mukha ko. Iba't ibang anggulo sa magkakaibang lugar dito sa campus.
I have my fair share of stalkers, hindi na bago sa akin ito pero habang isa isa kong tinitignan ang mga larawan, unti unti ding tumataas ang mga balahibo ko, lalo na nung makita ko ang pinaka-huling kuha nya sa akin.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I was doing my daily rounds around the campus and I was smiling at some students when he or she took that photo.
The photo itself looks normal, pero ang kinakabahala ko talaga ay ang mensaheng kalakip nito.