Chapter 15

573 22 5
                                    

Chapter 15:

As I walk home, I kept thinking about Tristan's sudden disappearance

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

As I walk home, I kept thinking about Tristan's sudden disappearance. Lalong pinagtibay nito ang hinala ko na sya nga ang 'stalker' ko.

Everything started when he disappeared at school, tapos ngayon malalaman ko na ilang araw na din syang hindi umuuwi sa bahay nila. Hindi ko alam kung ano ang totoong rason kaya nya ginagawa ito pero malakas ang kutob ko na isa sa mga rason nya ay para mas masubaybayan nya ako kahit na saan man ako magpunta.

Habang naglalakad ako naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko kaya agad ko itong dinukot mula sa bulsa ng palda ko. I immediately saw that person's number on the screen. Hindi ko alam kung ano ang pakay nya sa akin kaya nya ako tinatawagan, pero bago ko pa man masagot ang tawag nya pinatay nya na din ito kaagad.

What the hell.

Ibabalik ko na sana ang cellphone sa bulsa ko pero muli na naman itong nag-vibrate. This time hindi na tawag ang natanggap ko kundi isang text message.

0908-xxx-xxxx:

Where r u going? :)

He is asking me where I'm going. Mukha namang normal yung tanong nya pero nakaramdam padin ako ng kakaibang kilabot sa katawan. Not to mention that the smiley he sent me is seriously giving me the creeps. Should I answer him or ignore him like I usually do?

I think, I'll do the latter.

Dahil medyo malayo pa ako sa subdivision namin, mas binilisan ko na lang ang paglalakad. Kulang na lang tumakbo na ako makalayo lang sa bahay nina Tristan. Ilang beses din akong lumingon sa likuran ko, pakiramdam ko kasi may sumusunod sa akin kahit na wala naman akong nakikitang ibang tao.

I felt uneasy. Even the slightest sound made me jump, kaya naman nung makarinig ako ng busina ng kotse halos mapatalon na ako sa sobrang pagkagulat.

*BEEP BEEP*

"Hey Channel~ pauwi ka na ba? Sumabay ka na sa amin" a familiar voice shouted behind my back.

Nilingon ko ito at agad kong nakita ang nakangiting mukha ni Draco. Nakaupo sya sa driver's seat habang nakaupo naman sa tabi nya ang kapatid nyang si Draven. Tinted ang bintana ng kotse kaya hindi ko makita kung sino pa ang kasama nila sa loob.

"Looking for Vlad? Sumakay ka na, he's at the back seat" natatawang sabi ni Draco.

I rolled my eyes at him. I'm not looking for Vlad, gusto ko lang namang makita kung sino pa ang kasama nila sa kotse. Besides, why would I look for him.

*BEEP BEEP*

Muli akong binusinahan ni Draco. Mukhang atat na atat na syang pasakayin ako sa kotse nya. Should I accept or should I decline his offer? Kung tatanggi ako, malaki ang tyansa na guluhin na naman ako ng taong yun or if worse comes to worse baka may gawin pa sya sa aking hindi maganda. Kung pagbibigyan ko naman sila, madali akong makakauwi sa bahay, ayun nga lang, medyo awkward ang atmosphere dahil makakasama ko si Vlad pati na ang mga pinsan nya.

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon