Chapter 12 🛠️

636 24 1
                                    

Chapter 12:

The weekend was over before I even know it

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The weekend was over before I even know it. Ang bilis ng oras. I wanted to de-stress myself but after that chance encounter with Antoinette parang mas lalo pa akong na-stress. Hindi ko matanggal sa isip ko yung huling sinabi nya.

"You can play the game, but you will never win."

Ano ang ibig nyang sabihin? Hindi ko sya maintindihan lalo na at hindi naman ako mahilig maglaro ng games.

Pero mamaya ko na lang ulit iisipin yun. Kailangan ko ng maghanda sa pagpasok lalo na at may meeting kami mamayang 8 o'clock kasama ang Class President ng bawat klase para sa founding anniversary ng school namin.

Since medyo maaga pa naman, nagdesisyon akong maglakad na lang papasok sa school. Palabas na ako ng bahay nung may makita akong 'something' or more like 'someone' na hindi ko inaasahang makikita ko rito.

"What are you doing here?" Agad na tanong ko.

"Sinusundo ang girlfriend ko" sagot naman nito.

Hindi ko alam kung totoo bang 'sinusundo' nya ako o nagbibiro lang sya but whatever it is I am betting my money on the latter.

"At kelan ka pa natutong magbiro?" Naka-kunot ang noong tanong ko.

"Since now" tipid na sagot nya.

"Ano ngang ginagawa mo dito?" Pangungulit ko.

Konting konti na lang at mapuputol na yung pisi ng pasensya ko. I know Vlad doesn't live here kaya hindi nya pwedeng gawing excuse na napadaan lang sya dito. Sa tanang ng buhay ko ngayon ko lang sya nakita dito. As in ngayon lang. So ibig ba nitong sabihin, sinusundo nya nga talaga ako? Asa.

"I live over there" sagot nya, sabay turo sa pinanggalingan nyang direksypn.

"Talaga? I know most of the people who live here at hindi ko alam na ka-block pala kita. Invisible ba yung bahay nyo kaya hindi ko nakikita?" I said sarcastically.

"I don't live here, I live 10 blocks away from here." Walang emosyong sagot nya.

10 blocks away? Sa pagkakaalam ko yun na ang dulo ng subdivision. Minsan na akong nakapunta dun at sa pagkakatanda ko nasa parteng yun yung mga mala-mansyong bahay.

"But still, that doesn't answer the question why your here" I gave emphasis on the last word. Totoo naman kasi, napakalayo ng bahay nya dito sa bahay namin kaya paanong napadpad sya dito? Coincidence?

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon