Book 1 of the "Devil's on Earth Series"
If one would describe Channel Monteverde, the word perfection comes to mind. She is beautiful, she is an outstanding student and she is the Student Council President. Everyone looks up to her, everyone envies...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Ang sarap mo talagang magluto!" Puri ni Draco kay Antoinette.
We are having dinner right now and I totally agree with what he said. Masarap ngang magluto si Antoinette and I envy her a little because of that. Marunong naman akong magluto pero alam ko sa sarili ko na hindi ganito kasarap ang luto ko.
"Sus lahat naman sayo masarap eh" pang-aasar ni Draven sa kapatid.
"Loko ka, kumain ka na nga lang dyan"
As usual silang dalawa na naman ang maingay. Hindi ba sila nagsasawa sa isa't isa? Parang silang dalawa lang kasi yung palaging nag-uusap.
Pagkatapos naming kumain, tinulungan ko si Antoinette na maghugas ng mga pinagkainan namin. Tahimik lang kami habang naghuhugas ng mga plato.
Si Gray naman ay umakyat na sa kwarto nya para simulan ang dapat nyang simulan. As for the rest of the boys, tatambay muna daw sila sa living room habang hinihintay ang resulta ng pang-ha-hack ni Gray.
After washing the dishes dumiretso kami ni Antoinette sa living room. Naabutan namin sina Draven at Draco na may pinag-aagawang bote?
"Akin na yan ako na ang mag-iikot!"
"Ako kumuha nito kaya dapat ako ang mag-pa-ikot!"
"Hindi!"
"Ano bang meron at pinag-aagawan nyo yang boteng yan?" Nagtataka kong tanong.
Kung gusto nila ng bote kukuhanan ko sila sa kitchen kahit na tig-sampu pa sila.
"Ito kasing si Draco mang-aagaw ng bote ng may bote" pagmamaktol ni Draven.
"Ibigay mo na lang kasi yan para masimulan na natin ang game" seryosong sabi ni Draco sa kapatid.
"What game?" Tanong ko.
"Spin the bottle" nakangiting sagot ni Draven.
"Spin the bottle? And what kind of game is that?" Muli ko na namang tanong.
Hindi ako pamilyar sa sinabi nyang laro, ang totoo nyan wala akong ni katiting na idea kung paano yun laruin.
"Aish. Saang kweba ka ba nakatira at hindi mo alam tong larong to. Ganito lang yan, isa isa tayong magpapaikot dun sa bote, kung sino yung mahintuan ng bote, mamimili sya kung truth o dare. Kung sino man ang nag-ikot, sya ang magtatanong kung truth ang napili nung taya at sya din ang magbibigay ng dare kapag dare naman yung napili nung taya. Gets?" paliwanag ni Draven.
Mukhang madali lang naman yung game nila pero diskumpiyado ako lalo na at alam kong may pagka-loko loko ang magkapatid na ito. Paano kung tanungin nila ako ng mga nakakahiyang bagay o kaya paano kung may ipagawa sila sa akin na hindi ko kayang gawin.
"Pass ako" tipid na sagot ko. I don't want to humiliate myself after all.
"Ang killjoy mo naman, sumali ka na, sasali din naman si Vlad"