Chapter 23

508 26 3
                                    

Chapter 23

"I can't believe they still have the guts to show their faces"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"I can't believe they still have the guts to show their faces"

"Ang ganda ng katawan nya pre"

"Kahit ako hindi makapaniwala"

"Akala mo napaka-perpekto nila, yun pala may mga tinatago silang baho"

Just as I expected we are the talk of the town. May mga hindi naniwala sa mga kumakalat na pictures pero mas madami ang naniniwala dito.

Bakit kaya ganun ang mga tao? Kahit na sinasampal na sila ng katotohanan mas pinili parin nilang paniwalaan ang kasinungalingan.

"Don't mind them Channel" Vlad said.

Wala padin kaming lead kung sino ang nag-edit at nag-upload ng mga pictures na yun. It could be anyone. Basta may access ka lang sa internet, anything is possible nowadays.

Pero maaari din namang pakana ito ni Tristan, sya lang ang kilala ko na maaaring gumawa ng ganitong bagay. If only I knew where to find him.

Papunta kami ngayon sa canteen para kumain at magpalipas ng oras at habang naglalakad kami bigla na lang hinawakan ni Vlad ang kamay ko. Hinayaan ko lang sya. Normally I don't allow this kind of intimate contact with anyone, but with him I feel comfortable.

Kapag sya ang kasama ko parang wala akong pakialam sa sasabihin ng mundo.

"Naks naman, holding hands while walking" pang-aasar ni Draven sa amin.

"Hayaan mo na nga silang dalawa Draven. Naiinggit ka lang ata, palibhasa iniwan ka na ni Leslie. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa" natatawang sabi ni Draco sa kapatid.

"Ano ba! Kung hindi lang kita kapatid babanatan na kita! Kita mo ngang nag-mo-move on na yung tao tapos pinaalala mo pa!" Kunwa ay galit na sabi ni Draven.

Medyo natawa ako sa sinabi nya gayundin si Draco pero yung iba naming kasama hindi man lang tumawa, ni wala ka ngang mababakas na kahit na anong emosyon sa mga mukha nila. Wala ata sa bokabularyo nina, Vlad, Gray at Antoinette ang tumawa.

Pagdating namin sa canteen dumiretso kami sa table na nakareserve na talaga sa kanila pero laking gulat namin nung makita naming may mga nakapatong na litrato naming dalawa ni Vlad dito.

"Ano to pampagang kumain?" Biro ni Draven.

Dahil sa sinabi nya nakatanggap sya ng masamang tingin mula kay Vlad samantalang binatukan naman sya ng kapatid na si Draco.

"Konti na lang at qouta ka na, kapag yang si Vlad nag-beastmode sayo ewan ko na lang. Ako ang pinaka-unang tatawa kapag nangyari yun"

"Sabi ko nga eh"

Tinanggal nina Draven at Draco ang mga litrato, itatapon na sana nila ang mga ito nung mapansin kong parang may nakasulat sa likod ng isa sa mga ito.

"Teka lang" pigil ko sa kanila.

"Bakit Channel, may problema ba? Gusto mo bang itago itong mga to?" Tanong ni Draven.

"Of course not! Parang may nakita kasi akong nakasulat dun sa isa sa mga pictures" sagot ko.

Muli nilang ibinalik ang mga pictures sa lamesa, binaliktad na din nila ang mga ito para mas madali naming mahanap yung sinasabi ko.

"Found it" ani ni Draven.

Itinabi ni Draco yung mga pictures na hindi na namin kailangan at ang itinira nya lang sa lamesa ay yung picture na may sulat sa likod. Agad naman naming binasa ang nakasulat dito.

Find me.
Because there is more to come if you don't.
Find me.
Or else all hell will break loose.

Find him or her? Is this some kind of threat? Paano kung hindi namin sya mahanap? Ibig bang sabihin nito, magpapakalat pa sya ng mas madaming malalaswang litrato na puro naman kasinungalingan?

"Hanapin lang pala eh, ang dali dali namang maghanap. Anyway, nagugutom na ako, um-order na tayo" ani ni Draven habang hinihimas himas pa ang tyan.

Sina Gray at Antoinette na ang nagprisintang um-order ng pagkain para sa aming lahat bagay na hindi na namin tinutulan.

Nagpatuloy naman sa pagku-kwentuhan sina Draven at Draco na para bang walang nangyari. Maswerte sila dahil hindi sila involve sa issue pero gayun pa man nagpapasalamat ako sa kanila dahil willing silang tumulong.

Pero kahit na sinabi na sa akin ni Vlad na sya na ang bahala sa lahat, hindi ko padin maiwasang hindi mag-alala. There are so many questions in my mind right now. Sino ang may kagagawan nito, ano ba ang purpose nya at ginagawa nya ito at kung si Tristan ba ang puno't dulo ng lahat ng ito. Naputol lang ang malalim kong iniisip nung biglang magsalita si Vlad.

"What are you thinking?" Bulong nya sa akin. Mahina lang ang pagkasabi nya para siguro hindi marinig nung dalawa.

"Naisip ko lang, paano kung si Tristan pala ang may kagagawan ng lahat ng to?" seryosong tanong ko.

"Hindi pa tayo sigurado kung sya ba talaga ang may kagagawan ng lahat ng ito. Wag ka munang magtitiwala sa mga tao sa paligid mo, everyone is a suspect Channel"

Kahit na hindi nya sabihin wala naman talaga akong tiwala sa mga tao sa paligid. I don't even trust Annie and Ginny. The only person I trust are them, Vlad, Draven, Draco, Gray and Antoinette.

"Pero ano ang gagawin natin para mahanap sya, kung sino man sya"

Hindi na nagawang sagutin ni Vlad ang katanungan ko dahil dumating na sina Gray at Antoinette dala dala ang mga in-order nilang pagkain namin. Nagsimula na din kaming kumain kaya mas lalo na syang nawalan ng pagkakataong sagutin ako.

Pagkatapos kong kumain, nagpaalam ako sa kanila na mag-c-cr lang ako saglit. Sasamahan sana ako ni Vlad pero pinigilan sya ni Antoinette. Sya na lang daw ang sasama sa akin para siguraduhing okay ako. Hindi ko tuloy alam kung ano ang mararamdaman ko lalo na at hindi naman kami close, may times pa nga na hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nya.

Tahimik lang kami habang naglalakad sa may hallway, tanging ang mga sapatos lang namin ang lumilikha ng ingay. Pakiramdam ko tuloy mag-isa lang ako kahit na may kasama naman ako.

"Vlad loves you Channel" basag ni Antoinette sa katahimikan.

"A-ano kamo?" Tanong ko.

Narinig ko naman ang sinabi nya pero gusto kong ulitin nya ito. Vlad loves me? Dapat ko ba syang paniwalaan? Kaso lang hindi na nya inulit ang sinabi nya at iniba nya na ang usapan.

"You are lucky because they are at your side but at the same time you are unfortunate for that very same reason. Anyway, wag kang mag-alala, kung sino man ang nanggugulo sa inyo, si Gray na ang bahala sa kanya"

As usual wala na naman akong naintindihan sa mga sinabi nya.

"Paano kami matutulungan ni Gray?" Tanong ko.

"He's a hacker"

Channel.

⚜️

|Author's Note|

This chapter is dedicated to: demonisecolegregory

What do you guys think?. Looking forward to your Comments and Suggestions. Also don't forget to like this new story of mine.

PS: Photo not mine. Ctto.

@Acinnejren

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon