Book 1 of the "Devil's on Earth Series"
If one would describe Channel Monteverde, the word perfection comes to mind. She is beautiful, she is an outstanding student and she is the Student Council President. Everyone looks up to her, everyone envies...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
'Vlad's deepest and darkest secret'
I can't sleep. Paulit ulit na nag-re-replay sa utak ko yung huling sinabi ni Antoinette. Ano ba ang itinatago ni Vlad? What is his deepest and darkest secret?
Sumasakit na ang ulo ko kakaisip, idagdag pa yung biglang pagkawala ni Tristan.
Nakatitig lang ako sa kawalan nung bigla kong marinig na tumunog ang cellphone ko. Binuksan ko ito sa pag-aakalang baka sina Ginny o Annie na naman ito pero nagkamali ako.
#ff0000:
Why are you still awake? :)
Paano nya nalaman na gising pa ako?
Tumayo ako mula sa kama at pasimple akong sumilip sa may bintana. Wala akong nakitang kakaiba pero pakiramdam ko nagtatago lang sya sa kadiliman habang nagmamasid sa akin.
Bumalik na lang ako sa kama at kinuha ko ang cellphone para magreply sa kanya.
Channel:
Ano bang pakialam mo?
#ff0000:
Ano nga ba?
Channel:
Bakit mo ba to ginagawa? Pwede ba, tigilan mo na ako!
#ff0000:
I can't.
Channel:
At bakit?
#ff0000:
Because we are the same.
Channel:
The same? Ano ba ang pinagsasabi mo? Hindi ako isang stalker na katulad mo!
Ilang minuto na ang lumilipas pero wala padin syang reply. Nakakainis. Dapat nga matuwa ako na hindi na sya nagreply pero parang mas lalo lang akong nainis nung hindi na ako nakatanggap ng mensahe mula sa kanya.
Pero ano ang ibig nyang sabihin na pareho lang kami? Hindi ako isang stalker. Hindi rin ako isang weirdo na katulad nya. Hindi kami magkatulad sa kahit na anong bagay at aspeto.