Chapter 09

613 26 2
                                    

Chapter 09:

Naging maayos na ang mga sumunod na araw, back to normal na ang mga klase at tahimik na ang GC namin, in short nothing unpleasant or interesting happened

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naging maayos na ang mga sumunod na araw, back to normal na ang mga klase at tahimik na ang GC namin, in short nothing unpleasant or interesting happened.

But I feel weird somehow, hindi ko alam kung matutuwa ba ako na walang kakaibang nangyayari o matatakot ako dahil walang kakaibang nangyayari.

Katulad ng madalas kong ginagawa, dumiretso ako sa SC Office bago magsimula ang klase para magtrabaho pero laking gulat ko nung mabungaran ko si Ginny sa loob.

Well this is a first, usually ako ang pinaka-maagang pumapasok pero ngayon nauna pa sya sa akin.

"Good Morning Channel~" bati nya sa akin.

"Good Morning Ginny" ganting bati ko.

Hindi ko alam kung bakit pero kakaiba ang nararamdaman ko sa ginawa nyang pagbati sa akin. I sense a little hint of sarcasm in her voice. Pero hindi ako sigurado sa bagay na yun, maaaring tama ako pero maaari ding mali ako.

"So~ how was your day yesterday?" Tanong nya sa akin.

"Okay naman" tipid na sagot ko.

Wala akong idea kung bakit tinatanong nya ako ng ganun, dati rati naman wala syang pakialam sa akin kaya medyo naguguluhan ako sa ikinikilos nya ngayon.

What the hell is wrong with her?

"Mukha nga, blooming ka din, siguro may love life ka na?"

Blooming? Kelan pa ako naging bulaklak para mamukadkad? Love life? Kung alam nya lang kung ano ang nangyayari sa akin ngayon, having a love life is the least of my priorities.

"I don't have a boyfriend, wala ding na-li-link sa akin. Alam mo namang distraction lang yan. What made you think that I have a boyfriend and a flourishing love life?" Tanong ko.

"Oh come on, wag ka ng mag-maang maangan Channel. Umamin ka na kasi"

"Hindi ako nagmaang-maangan"

"Talaga? Then how do you explain this?"

Inilabas ni Ginny ang cellphone nya pagkatapos ay may ipinakita syang picture sa akin.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon