Chapter 28

405 20 1
                                    

Chapter 28:

"Thanks for accompanying me Antoinette"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Thanks for accompanying me Antoinette"

"Don't mention it"

I waved at Antoinette as she walked away.

Habang kumakain kami ng breakfast kanina bigla na lang tumawag ang mommy ko para ipaalam na may bisita ako. Nung malaman kong si Minnie Lou ito napagpasyahan kong umuwi na.

Ihahatid sana ako ni Vlad pauwi pero tinanggihan ko ang offer nya. Kakaiba kasi ang expression na makikita sa mukha nya, para syang papatay ng tao na ewan.

We almost got into an argument, good thing Antoinette decided to butt in. Nagprisinta syang sya na ang maghahatid sa akin tutal pauwi nadin naman sya.

Papasok na ako sa gate ng bahay namin nung maramdaman kong parang may nakatingin sa akin. Inilibot ko ang mata ko pero wala naman akong nakitang tao.

Must be my imagination? Or maybe Tristan is stalking me again.

Pagpasok ko sa loob dumiretso ako sa kwarto ko. Nahiga muna ako sa kama tutal wala pa naman si Minnie Lou.

Habang nakatitig ako sa kisame bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi. Me and Vlad, who would have thought that we will end up together? Everything felt like a dream. Kung isa man itong panaginip, parang ayoko ng magising.

Habang iniisip ko ang mga nangyari, nakarinig ako ng mahinang katok sa may pintuan. Umayos ako sa pag-kakahiga ko sa pag-aakalang ang mommy ko ito pero laking gulat ko nung si Minnie Lou ang makita ko.

"Hello Channel" she said menacingly.

"Where's my mom?" Kinakabahang tanong ko. Paano kung may ginawa pala syang masama sa Mommy ko?

"I don't know. Kanina pa ako kumakatok sa may pintuan pero wala namang sumasagot so I let myself in"

"Okay. Let's go downstairs then, dun na lang tayo mag-usap sa may living room"

Pilit kong pinakalma ang sarili ko kahit na kinakabahan ako. Mag-uusap lang naman kami pero pakiramdam ko may kakaiba syang gagawin sa akin.

"Dito na lang tayo Channel"

The way she said my name is seriously giving me the creeps pero hindi ko ito masyadong ipinahalata sa kanya.

"No this is not the right place to talk"

Pero parang wala syang narinig dahil tuluyan na syang pumasok sa kwarto ko at ini-lock nya pa ang pintuan pagkasara nya dito. Lalo tuloy akong nakaramdam ng kaba.

"Why did you do it Channel?"

"Did what?" Nagtatakang tanong ko.

Kung meron mang dapat na magtanong ng ganun ako yun. Wala akong ginagawang masama sa kanya pero nagawa nya akong gawan ng eskandalo.

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon