Chapter 08:
Just as I expected everyone is talking about Mam Cruz's untimely demised. May mga hindi makapaniwala pero mayroon ding walang pakialam sa pagkamatay nya.Ipinagpaliban muna ang klase ngayong umaga. Ang alam ng mga estudyante, nagluluksa ang mga guro namin sa biglaang pagkamatay ni Mam Cruz, pero ang hindi nila alam excuse lang nila yun para hindi magklase.
Nasisiguro ko na nagkukumpulan na sila ngayon sa may faculty room para magtsismisan, karamihan pa naman sa kanila ay may galit kay Mam Cruz.
Ang balita ko hindi parin nahuhuli ang boyfriend nya. Walang nakakaalam kung nasaan na ba ito at kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa kanila nung gabing yun kaya humantong sa ganun ang lahat.
"This is so creepy. Hindi nyo ba napapansin? Parang sunod sunod na lang na may namamatay. Una si Leslie, ngayon naman si Mam Cruz. Yung topic sa GC natin puro na lang tungkol sa kamatayan" Maarteng sabi ni Ginny.
"I totally agree with you" sang-ayon ni Annie.
I also agree with them but I kept that information to myself. Maswerte pa nga sila at yun lang ang iniisip nila dahil ako may malaki akong pino-problema.
Nakatambay kami ngayon dito sa SC Office dahil nga walang klase ngayong umaga. As usual pinag-uusapan na naman nung dalawa yung nangyari. Hindi ba sila nagsasawa? Kagabi sa GC yun ang topic nila, hanggang dito ba naman sa school yun pa rin? Alam kong pare-pareho kaming hindi makapaniwala sa nangyari, pero hindi ba uso sa kanila ang salitang move on?
Dahil hindi naman ako interesado sa pinag-uusapan nila, lumabas na lang ako sa SC office.
I found myself outside that abandoned garden once again. Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko. The last time I was here, Vlad was also here at mariin nyang sinabi sa akin na hindi ako welcome dito sa 'secret' hideout nya.
But I don't really care about what he thinks. Hindi nya naman personal na pag-aari ang lugar na ito, this is school property kaya hindi nya ito maaaring ipagdamot. Not unless he owns the school.
Pumasok ako sa loob and the same scenario greeted me.
Nakahiga na naman si Vlad sa stone bench at nakatakip na naman ang cellphone nya sa mukha nya. Yung totoo, pumapasok lang ba sya dito sa school para matulog?
"I told you your not welcome here"
Hindi ko sya pinansin at umupo ako sa bench na katabi ng hinihigaan nya.
Tinanggal nya ang cellphone na nakatakip sa mukha nya at umupo sya ng maayos. Tinitigan ko sya at ganun din ang ginawa nya gamit ang walang buhay nyang mga mata.
"What are you doing here? Cutting classes again?" Seryosong tanong nya sa akin.
"How about you? What are you doing here? Hindi ka na naman siguro pumasok sa klase mo kaya nandito ka na naman"
"Tama ka, hindi ako pumasok kaya ako nandito so stop stating the obvious Miss President"
I rolled my eyes at him. Now he's being sarcastic. Minsan ang weird lang na puno ng sarkasmo yung mga sinasabi nya pero wala namang kabuhay buhay yung mga mata nya.
"Regarding your question earlier hindi ako nag-cu-cutting classes. In case you didn't know yet, Mam Cruz, a faculty of this university was murdered last night by her boyfriend. At bilang pag-gunita sa kamatayan nya, the school decided to suspend the morning classes."
Ang inaasahan ko makakakita ako ng kahit na kaunting emosyon sa mukha nya pero wala, wala talaga. His expressionless face remained expressionless and his dull eyes remained dull.
Siguro kabilang sya dun sa populasyon na walang pakialam sa pagkamatay ni Mam Cruz.
"Okay" tipid na sagot nya.
See what I mean?
Since I got nothing to say and since he doesn't seem to be interested in small talk, I decided to check my phone. Kakapain ko na sana ito sa bulsa ko nung may maramdaman akong kakaiba sa gilid ng palda ko.
Hindi na ako nag-abalang tignan pa kung ano man yun. I jump and scream like there's no tomorrow. At sa sobrang takot ko napatabi ako kay Vlad ng di oras.
"What the~" reklamo nya nung kumapit ako ng mahigpit sa braso nya.
"Ta-tanggalin mo yan! Please!" Pagmamakaawa ko.
Naramdaman kong pinagpag nya ang kung ano mang nakadikit sa palda ko.
I generally hate anything that crawls, ipis, gagamba, butiki, you name it, kaya naman kahit na hindi ko direktang nakita kung ano man ang bagay na yun, nabalot na ako kaagad ng takot.
As I slowly opened my eyes I was greeted by his dull expressionless eyes pero muntik na akong mapasinghap nung mapagtanto kong halos isang dangkal na lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa.
Agad akong tumayo at pasimpleng lumayo sa kanya.
"Sa-salamat" mahinang sabi ko.
He didn't say anything, hindi ko tuloy alam kung narinig nya ba o hindi ang pagpapasalamat ko sa kanya.
It became awkward between us after that. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Nahihiya din ako sa ginawa ko.
Dahil hindi ko na matagalan ang hiyang nararamdaman ko, nagpaalam na ako sa kanya pero as usual wala na naman akong nakuhang response mula sa kanya. Bahala sya, basta ang mahalaga nagpasalamat na ako sa ginawa nyang pagtulong sa akin.
Naglalakad na ako pabalik sa SC office nung maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko.
I have a new message.
And it came from that person.
0908-xxx-xxxx:
You broke my heart Channel <\3
What did I do? Broke his heart? In what way did I even broke his heart?
~Channel.
⚜️
|Author's Note|
This chapter is dedicated to: AthiezaLouCantorne
What do you guys think?. Looking forward to your Comments and Suggestions. Also don't forget to like this new story of mine.
PS: Photo not mine. Ctto.
@Acinnejren
BINABASA MO ANG
Twisted
Misterio / SuspensoBook 1 of the "Devil's on Earth Series" If one would describe Channel Monteverde, the word perfection comes to mind. She is beautiful, she is an outstanding student and she is the Student Council President. Everyone looks up to her, everyone envies...