Chapter 14

562 22 0
                                    

Chapter 14:

Pagkatapos ng meeting bigla na lang nawala si Vlad

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pagkatapos ng meeting bigla na lang nawala si Vlad. Hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap sya at magpasalamat sa kanya. If it wasn't for him, baka naging magulo ang meeting kanina.

"Grabe, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Yun na siguro ang pinaka-effortless nating meeting, kadalasan kasi umiiyak na tayo ng dugo pero sige parin sila sa pagrereklamo"

"I agree with you"

Hindi nagbibiro si Annie nung sinabi nya yun. Kapag may mga ganung meeting kami kung saan kasama namin ang representatives ng iba't ibang klase at year levels, 80% ng meeting puro reklamo lang ang maririnig mo. So what happened earlier is a little refreshing.

"Sayang lang at wala si Ginny, hindi nya na-witness yung nangyari kanina"

I secretly rolled my eyes at her. Ang sabihin nya, mabuti na lang at wala si Ginny, dahil wala din naman yung ma-i-co-contribute na maganda sa meeting kung sakali. Puro lang naman pagpapaganda ang alam nun, minsan nga nagtataka ako kung paano silang naging magkaibigan. Matalino sya tapos kinulang sa talino yung isa. Anong konek nila sa isa't isa diba?

"Channel~ maiwan na muna kita ha. Nagtxt kasi si Ginny na nasa canteen sya, pupuntahan ko na muna sya" paalam sa akin ni Annie.

"Okay. Pero wag mong kalimutang gawin yung minutes ng meeting ha" paalala ko.

"Okay"

Annie left after that, dumiretso naman ako sa SC Office para i-finalize ang ilan sa mga napag-usapan namin sa meeting kanina.

Malapit ng mag-lunch break nung matapos ako sa ginagawa ko, with this konti na lang ang po-problemahin ko. I felt my stomach rumble, nagugutom ako pero ayoko namang pumunta sa canteen.

What if I saw Vlad and his cousins in there? Baka tawagin na naman nila ako sa table nila. Hindi sa ayaw ko silang makasama, they are basically good people, ang iniiwasan ko lang ay ang issue na paniguradong sisiklab na naman kapag nakita nila kaming magkakasama.

Its better to act like nothing is really going on than ignite a fire which will burn and consume you in the end.

Inilabas ko na lang ang baon kong crackers, malapit ko na itong maubos nung may marinig akong kumatok sa may pintuan.

"Tuloy" sigaw ko.

Dahan dahang bumukas ang pintuan at bumungad sa akin si Antoinette at Gray na parehong walang bahid ng kahit na anong expression sa mukha.

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon