Chloe's POV
"Ma! Pa! Pasok na po ako" paalam ko tsaka umalis nang bahay at pumasok sa school
Multimedia arts ang course na kinuha ko dahil matagal ko ng gusto ang kursong yun
Dahil alam kong hirap na sila sa pera tinry ko magapply ng scholarship at di ako nabigo dahil nakakuha ako
Strikto yan sila mama kaya nung una ay bawal pa magboyfriend pero ngayon ay pumayag na sila basta ang date ay sa bahay lang
Boyfriend ko si harvey, isang campus crush, sabi nga ng mga kaibigan ko na sila hannah ay inuuto lang daw ako nun
Sabi nila ginagamit lang ako para sa mga homeworks at project pero di ako naniniwala
Kung ginagamit nya lang ako bakit pa nya ako ipapakilala sa barkada nya diba at di naman sya naga-i love you kung di sya sincere
Pagpasok ko ng gate ay nakita ko agad sila hannah at valeen, tinawag din ako nila harvey sa tambayan kaya lumapit kami nila hannah
"bunny, pinapapunta ako ni mama sa singapore this summer" sabi ni harvey sakin at tinignan ko lang sya
"1 week nalang natitira ngayon tas bakasyon na" sabi ni hannah "swimming kaya tayo?" suggest ni lexy, kaibigan din namin ni hannah
"a... ayoko" sabi ng ibang kaibigan ni harvey at yung iba naman di pwede at nagulat ako nung bigla akong hilahin nila hannah
"gurl! matalino ka kaya impossibleng di mo nahalata na ayaw lang talaga ni harvey!" sabi ni lexy at tumawa lang ako
"impossible naman yun! aalis sya kaya gusto nun tsaka yung mga kabarkada nya naman ang umayaw" sabi ko
bumuntong hininga lang si hannah "alam mo teh! sayang talino mo kung di mo papairalin pagdating sa lablayp" sabi nya
gumatong pa tong si lexy "you know what?! ginagago ka na nang harap-harapan tas di mo parin nahahalata"
pagsabi ni lexy ay nauna na ako maglakad "uyy teka lang! di naman namin gusto na saktan ka pero syempre kaibigan mo kami eh" sabi ni hannah nung mahabol nya ako
"alam ko pero di naman ako ganun kamanhid para di masaktan sa sinasabi nyo" sabi ko at niyakap lang nila ako tsaka nagsorry
pagkatapos ng mga klase namin ay nagyaya si lexy na magmall kaya sumama kami at nakita namin sila harvey at kasama ang mga kaibigan nya
nang makita ako ay agad na kumaway sakin ang mga kaibigan nya habang si harvey naman ay tinignan lang ako
nagulat ako dahil nilagpasan lang nya ako at nang mauna sila ay lumapit sakin si bernice, kaibigan nya
"bad mood lang yun" sabi nya tsaka ako tinapik sa balikat at sumunod kila harvey na naglalakad palayo samin
"see? knowing na aalis sya dapat sinespend nya yung time nya with you" sabi ni hannah sakin at natanong ko din sa sarili ko kung bakit ganun ang inasal nya
BINABASA MO ANG
I'm his pretend girlfriend
ChickLitChloe Eloise Suarez, simple girl na laging deans lister at scholar kaya naman ay strict ang kanyang parents in means of relationship but she's in a secret relationship with the campus crush Harvey Lim, barkada lang ni harvey ang nakakaalam nun and c...