chapter 10

236 16 0
                                    

chloe's POV

"martin!" gising ko kay martin para magayos na sya dahil mamaya ay aalis na kami "martin ano ba?! bumangon ka na nga" dagdag ko pa

himbis na bumangon ay hinila nya ako kaya napahiga ako at mabilis nya akong nayakap "martin!" sigaw ko

"natulog lang tayo from babe to martin ganon?" sabi nya at hinampas ko sya sa braso "maligo ka na dun! ready na nga sila sa labas eh" sabi ko

tinignan nya ako "di ka pa nga ready eh, kaya mo siguro ako ginigising kasi gusto mo sabay tayo" pangaasar nya at mabilis akong nakatayo

"asa ka! dalian mo! magaayos pa ako ng dadalhin na gamit!" sabi ko at hinila nya ang towel na nakasabit tsaka pumasok sa cr

"ano gagamitin mong short pang swimming?" tanong ko sa may pinto at sumagot din sya "yung blue and white na stripes tapos dalhin na din yung trunks na black" sagot nya sakin kaya kinuha ko yun

inilagay sa bag at pagkatapos ay lumabas sya na nakatwalya lang at palapit sya sa cabinet kung saan din ako nakatayo

nung hawakan nya yung bewang ko para tumabi ako ay sabay nang pagbukas ng pinto "ops! sorry" sabi ni mica tsaka lumabas at sinara yung pinto

pumili lang sya ng isusuot at nagbihis sa cr, paglabas nya ay naka sando lang sya at short na maong habang pinupunasan yung buhok nya

dinala ko na yung isusuot kong damit papunta nang cr at naligo, paglabas ko ay nakita ko si martin na nakahiga tsaka tinignan ang orasan

"almost 1 hour kang naligo" sabi nya tsaka ko inilagay sa basket ang labahin ko at ang labahin nya na di manlang nya nilabas

ipinasok ko nalang yung basket sa cr para pagmaliligo ay deretso nya, nagsuklay na ako sa harap nang salamin sa cr tsaka lumabas

"di ka magmamake up?" tanong ni martin at natawa ako "bat naman ako magmamake up eh malulusaw din naman yun pagnag swimming" sagot ko at napangiti sya

"malaki talaga pinagkaiba nyo ni molly" sabi nya tsaka kinuha ang bag at lumabas kami, nakita namin sila sa sala "si carl?" tanong ko

"nasa kwarto" sabi ni mark kaya pumunta ako, naririnig ko na ang shower sa cr kaya kinatok ko sya "carl bilisan mo kumilos, naayos mo na gamit mo?" tanong ko sa kanya

"di pa nga eh" sagot nya kaya tinignan ko ang cabinet kung saan nya nilagay ang mga binili sa kanya ni martin kahapon

inayos ko ang gamit ni carl nang biglang pumasok sa kwarto si martin "babe you're packing carl's clothes for swimming and packed mine too. That sounds nice, parang si carl yung anak natin" sabi nya tsaka ngumiti

di ko nalang sya pinansin at paglabas sa cr ni carl ay nakaayos na ito kaya inabot ko sa kanya ang bag ng mga gamit nya tsaka nya dinala yun

paglabas namin ay tumayo na ang apat at binato ni martin ang isang susi kay mark "magdrive ka nang maayos!" sabi ni martin tsaka kami bumaba sa parking

magkatabi lang ang sasakyan, ang gagamitin namin ay ang sports car nya habang ang gagamitin naman ni mark ay ang SUV nya

"mark umayos ka!" sabi ni martin at tumawa lang si mark "paano ako makakapalag eh andito si boss mica sa tabi ko" sabi ni mark tsaka kami tumawa

naunang umalis sila mark kesa samin "we can just stay here kung gusto mo ko solohin" sabi nya sakin habang hawak ako sa likod at magkalapit kami

"not an interesting offer" sabi ko tsaka sumakay sa sasakyan, hinawakan nya ang kamay ko at isinuot ang isang bracelet tsaka pinaandar ang sasakyan

"picturan mo tsaka mo ipost then tag mo ko" utos nya kaya ginawa ko, pinicturan ko habang hawak nya ang kamay ko

pinost ko yun at ang nilagay ko lang na caption ay emoji na heart, ilang minuto lang ay tunog na nang tunog ang cellphone ko

"sikat ka na, baka naman kasi isinigaw mo sa caption na mahal mo ko" sabi nya kaya binawi ko ang kamay ko

"ang kapal! emoji nga lang nilagay ko!" sabi ko at natawa sya, gumilid kami sa isang gasoline station at kinuha nya yung phone nya

tignan nya yung post ko at nakita ko na nagcocomment sya pero ayaw nya muna ipakita, biglang tumunog ang phone ko nang binaba nya na yung phone nya

i love you babe, someday ring na ilalagay ko

comment nya sa post ko at nagreact lang ako nang heart "may pa someday-someday ka pa! mamaya makita ni molly yan di pa magselos kasi isipin nun seryoso ka" sabi ko at napatawa sya

habang nasa pila kami sa tollgate ay nagcellphone sya at tumunog yung phone ko kaya tinignan ko kung bakit

pinost nya yung pictures kahapon, yung naglalaro sya, yung nagluluto ako, nung natulog ako sa hita nya at nung natutulog sya nang nakayakap sakin habang nakaupo na alam kong si carl nanaman ang sponsor nang picture

wala syang nilagay na caption pero may feeling inlove sa taas tsaka ako nakatag, pagtingin ko ay andaming fangirls nya ang nagcomment

'swerte naman nya' 'taga school yan diba' owemgie may girlfriend na sya huhu' 'paano naman ako papa martin' 'sana ako nalang' myghad nakakainis yung ganitong comments ng mga fangirls nya... I mean di sya ok para sa gurl you know? Standards ng society

I'm his pretend girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon