chapter 14

200 12 0
                                    

Martin's POV

Di ko alam kung bakit tuwing makakatabi ko si chloe lagi akong nakakatulog, ang komportable kasi nya kasama at walang arte

Paggising ko ay nakita ko na natutulog sya, laking gulat ko dahil nakayakap sya sakin

Nung narealize ko yun ay bigla akong napangiti out of nowhere, di ko alam kung bakit pero iba yung saya

Kung tutuusin yakap lang to kumpara dun sa ibang babae na ibibigay na lahat lahat lahat

Nakasaboy yung buhok nya sa mukha nya kaya hinawi ko yun at tinalian gamit ang pangpony nya na nakalagay sa side table

hinayaan ko lang sya matulog dahil 4 palang at 5 pa ang usapan namin na bababa para sa dinner

Sa tagal kong nakikita ang kaibigan ni molly ngayon lang nya ako pinakilala dun, at may boyfriend pang extra

Di ko alam kung ano sumapi sakin at pinagpalit ko si chloe nang sando ko para di makita yung katawan nya

Kay molly naman okay lang sakin na pagtinginan sya pero kay chloe, naiinis ako sa mga tumitingin sa kanya

Naalala ko yung paguusap namin ni mark kanina bago ko sya pagpalitin

"Pre ingat ka baka madevelop ka dyan kah chloe, ang clingy mo pa naman sa kanya napapansin namin" sabi nya sakin

Pinipicturan ko kasi si chloe habang nagaayos sya nang buhok nya, di ko alam kung bakit inagaw ko ang camera ni mark para picturan sya

Habang pinipicturan sya ay nakita ko na pinagtitinginan sya nang mga lalaki at parang nagtutulakan pa kung sino ang unang pupunta

"Pre send mo nalang sakin pictures asap" sabi ko kay mark tsaka binalik ang camera bago pumunta kay chloe

Sa harap mismo ni chloe ay hinubad ko yun at pinagpalit sya, sa una ay ayaw nya pero pinapili ko sya kung magbibihis sya o bibihisan ko sya kaya pinili nya ang una

Nahiga lang ako dito sa isang bench at nagulat ako nang tumabi sya sakin kaya iniunan ko sa kanya yung braso ko tsaka sya sumandal sa balikat ko

Lumapit si mark para sabihin na naipasa na nya ang mga pictures kaya kinuha ko ang cellphone ko at sinave yun

Di ko alam san ako kumuha nang lakas nang loob para gawing profile picture ang picture naming dalawa lalo na sa pagpalit nang cover photo na picture nya kanina

Nabalik ako sa realidad nang magsalita si chloe sa tabi ko "kanina ka pa gising?" Tanong nya sakin

"Di naman, kanikanina lang" sabi ko at nahiga ulit sya ng nakayakap sakin, yung isa kong braso ay nasa likod nya at tinatapiktapik yung balikat

"Ano na? May boyfriend na pala si molly eh" sabi nya sakin kaya nagulat ako "gusto mo pa ba ituloy yung pagpapanggap?" Tanong ko sa kanya

"Gusto mo pa ba ako kasama?" Tanong nya at naspeechless ako tsaka sya tinignan, pagumalis sya o sila ni carl sa buhay ko incomplete nanaman, boring

"Anong klaseng tanong yan?" Sabi ko at natawa ako sa sagot nya "anong klaseng sagot yan" sabi nya tsaka kami nagtawanan

"Syempre naman, kayo kaya ni carl nagbigay ng happiness sa buhay ko" sabi ko at nagulat din ako sa sinabi ko, tinignan nya ko tsaka ngumiti

"Kikiligin na ba ako?" Sabi nya sakin at nagtawanan kami, nung tumahimik ay nagulat ako nang halikan nya ko

After that naughty thing she did tumayo sya at umikot sa kama papunta ng cr, nung nasa may paanan na sya ng kama ay hinila ko sya kaya bumagsak sya nang nakahiga sakin

Inilapag ko sya sa kama at kiniliti "ayoko na" sabi nya habang tumatawa, tinigilan ko din ang pangingiliti sa kanya

Tinigil ko yung pangingiliti and i was tempted to kiss her, this time its a deep kiss turned to... I got her first!

After what happened we decided to get ready TOGETHER para bumaba for dinner kahit nauna na yung dessert ko

"babe! Parang awa mo na wag ka na magswimsuit" sabi ko sa kanya at dumila lang sya tsaka pumasok sa cr, paglabas nya ay naka rush guard sya kaso lang ay maiksi, crop top daw sabi ni mica at may kapartner na short na high waist

"Mas ok na yan kesa kanina" sabi ko sa kanya, maaga pa pero niyaya ko na sya na lumabas baka iba pa ang mangyari

Sabi ko ay intayin nya muna ako dahil kukunin ko lang ang camera ni mark, nasa kwarto lang sya nagcecellphone pagbalik ko

Di ako nagpahalata na pumasok at pinicturan ko sya "nako martin lumabas ka na" sabi nya tsaka ako nagpakita sa kanya

"Babe! Punta ka dun sa terrace dali picturan kita" sabi ko at tumayo naman sya

Habang pipicturan ko sya ay nakita ko na may manipis na mga buhok na nakasabit kaya inayos ko

Madami akong picture na kinuha sa kanya dito sa hotel at nagpicture din kami sa phone nya through timer

Ipinasa ko sakin yun at nagsabi sya na magccr lang sya, pinakealaman ko ang phone nya at inupload ang selfie namin tsaka ko tinag sarili ko

Paglabas nya ng cr ay tinago namin ang cellphone namin tsaka wallet sa volt habang nagbulsa lang ako ng 500 tsaka kami lumabas

I'm his pretend girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon