Chloe's POV
Yung kitchen ay may mga counter tops at cabinet na kaya kinabukasan ay tinuro ko nalang kay yaya kung saan ilalagay ang nga plato, baso, utensils at pati stocks habang itinuturo ko din sa mga kargador kung saan ilalagay ang mga gamit sa bahay
Si martin naman ay busy sa pagassemble nang mga luto-lutuan at kung ano-ano pa sa play room ni via, may binili pa nga sya na 3 storey doll house na mas mataas pa kay via. Puno din ng teddy bear ang sofa na nilagay namin sa playroom nya, may mga slides din and there is an inflatable pool filled with balls. Buong sahig ay nakacarpet kaya pwede sya maupo sa sahig nang di nalalamigan
Nagulat ako dahil pagpasok ko sa dressing room ay puno na yun nang damit ko at isang side ay puro damit ni via, may mga bags at shoes din. Pagpunta ko naman nang kwarto ko ay may isang maleta na nasa ibabaw nang kama with a note
Put this on your magical vanity mirror
Nakasulat kaya binuksan ko at puro ito make up, pabango at may mga blower din na ilalagay sa mga cabinet. Kilala ko si martin, once na nagbigay sya di nya na pababayaran yun
Alam ko naman na nagkabiglaan lang kami 5 years ago and parehas mainit ulo namin kaya naging ganon and i misunderstood him, plus pa na im expecting for a label sa kung ano kami
Habang nagaayos ng vanity mirror ay biglang pumasok si martin na may dalang beddings "thank you" sabi ko sa kanya bilang pagthank you sa mga binigay nya
Ngumiti lang sya at inilapag sa upuan ang beddings tsaka nilagyan yung kama "no need, ako na" sabi ko pero di sya pumayag kaya hinayaan ko nalang sya tsaka tinignan ang kwarto ni via
May vanity mirror din yun pero syempre puro baby cologne, powder at lotion lang nakalagay pati ang ibat ibang pangayos nya nang buhok. Natutulog na si via sa kama nya na puro pink or should i say puro barbie print ang beddings
"Chloe, pahinga ka na muna sa kwarto mo. Ako na tutulong kay yaya magligpit" sabi nya kaya sumunod ako sa sinabi nya at nagpahinga sa kwarto, dala ng pagod ay nakatulog na din agad ako
Paggising ko ay tinignan ko ang oras, past 11 na nang gabi. Bumangon ako tsaka lumabas ng kwarto and there i saw martin sleeping in the couch kaya ginising ko sya
"Martin... Martin..." Tawag ko sa kanya habang kinakalabit sya "anong oras na?" Tanong nya sakin habang humihikab pa tsaka nya tinignan ang oras
Pagkita sa oras ay napabangon sya "late na ko" sabi nya kaya natawa ako tsaka hinawi ang kurtina "may meeting ka nang madaling araw?" Sabi ko tsaka sya naupo
"Akala ko 11 na nang umaga" sabi nya at tumawa ako tsaka pumunta sa kitchen at nagkalkal kung nakapagluto ba si yaya pero wala akong nakita
Tinignan ko si yaya sa kwarto pero wala sya "martin si yaya?" Tanong ko at sumagot din naman sya agad "may pinabili ako sa kanya" sagot naman ni martin
"did she prepare something for dinner?" tanong ko dahil di pa ako kumakain "11 na pero di pa tayo nagdidinner" sabi nya tsaka tumayo at lumapit sakin
"my dear wifey" sabi nya kaya humarap ako at tinignan sya nang nakataas ang kilay "dont call me wifey, you're not even my boyfriend" sabi ko tsaka nagtingin ng pwedeng iluto
tahimik lang si martin na binuksan ang tv at nanood ng movie, lumabas si via galing nang kwarto nya at lumapit sakin "mommy what's that?" tanong nya
"nakapagdinner ka na?" tanong ko sa kanya at tumango sya "pinakain ako ni yaya kanina tapos pinasleep ulit" sabi ni via kaya narealize ko na may pagkain
"martin nagdinner ka na?" tanong ko at umiling lang sya tsaka pumunta si via sa kanya "daddy di ka pa nage-eat?" tanong ni via kay martin
"di pa eh" sabi ni martin tsaka ngumiti at kinalong si via tsaka nanood ng movie habang itinuloy ko nalang ang pagluluto
nagfry lang ako nang fish fillet na nasa ref at gumawa ng sweet and sour sauce, pagkatapos magluto ay kumain kaming tatlo tsaka dumating si yaya
"yaya di ko makita yung niluto mo for dinner" sabi ko kay yaya at sumagot din sya "sorry chloe, akala ko kasi di na kayo kakain ang himbing kasi ng tulog nyo tapos tinatanong ko si sir martin sabi nya di na daw sya kakain" sagot ni yaya
di ako nagpapatawag ng maam dahil di ako komportable lalo na't di naman sya pormal na empleyado, katulong sya dito sa bahay pero di nya ko kailangan i-maam
"ay maam bumili po pala ako ng pang nebulizer ni via tsaka mga gamot, sabi po kasi ni sir martin dapat daw po may stocks dito" sabi ni yaya kaya tinignan ko si martin na nakangiti lang
"sige na yaya, paki lagay nalang dyan, bukas nalang natin ayusin" sabi ko tsaka inilapag ni yaya ang paper bag at pumasok sa kwarto nya
"nak uwi na si daddy, paalam ka kay mommy kung pwede pumunta si daddy dito bukas" sabi ni martin kay via habang nakayuko
"diba dapat dito ka titira? kasi daddy kita" sabi ni via tsaka ngumiti si martin at tumingin sakin bago sagutin si via
"gustuhin man ni daddy, hindi pwede eh tsaka bata ka pa para maintindihan yun" sabi ni martin kay via
"daddy dito ka nalang" pilit ni via kay martin "ganito nalang, ill stay tapos pagkatulog mo aalis ako" sabi ni martin
"sige na martin, you can stay here tonight since gabi na and pagod din" sabi ko at ngumiti si via at si martin "thank you" sabi ni martin tsaka sya hinila ni via sa kwarto nya
"nak bad for you ang magpuyat, matulog na ok? may pasok pa si daddy bukas" sabi ko kay via "eh natulog ako nang 3 tapos ginising ako ni yaya to eat dinner and change my clothes tapos natulog ulit, i have enough sleep na" sagot nya sakin
"basta you still need to sleep, goodnight" sabi ko tsaka sya hinalikan sa noo si via at pumasok sa kwarto ko habang si martin ay hilahila ni via
alam ko na di agad makakakatulog si via kaya goodluck kay martin kung makatulog sya sa kakulitan nung batang yun
BINABASA MO ANG
I'm his pretend girlfriend
ChickLitChloe Eloise Suarez, simple girl na laging deans lister at scholar kaya naman ay strict ang kanyang parents in means of relationship but she's in a secret relationship with the campus crush Harvey Lim, barkada lang ni harvey ang nakakaalam nun and c...