chloe's POV
nakakatakot sa loob, may nakasabay kaming tatlong babae at nasa likod namin sila. Naririnig kong sinasabi nila na pogi si martin
di na ako magdedeny kasi gwapo naman talaga. di naman to makakakuha nang fangirlsss, madaming s kasi madami talaga, kung di sya pogi diba
habang nasa gitna ay lumapit ang isang babae kay martin "kuya pwede papicture? ikaw yung sikat na varsity player sa university nyo diba" sabi nang babae
mula sa pagkakahawak sa kamay ko ay inakbayan nya ko "sorry girls but im with my girlfriend" sabi ni martin tsaka ngumiti
nagpatuloy nalang kami sa paglakad, himbis na matakot ay kinukulit nya ko kaya ako kinilig habang naglalakad
nagtry pa kami ng ibang rides at lumabas kami at nagyayaan para itry ang giant wheel pero si martin naman ang ayaw sumama
"tara na" sabi ko tsaka sya hinila "takot ako sa heights" sabi nya tsaka ko sya nginitian "dali na please" sabi ko tsaka sya kumanot ng noo at pumayag
pagpasok nya sa pila ay nagulat sila mica "himala napasakay mo yan" sabi ni mica tsaka kami gumitna ni martin sa pila
"ate pwede bukod nalang kami ni gail?" tanong ni carl na si martin ang sumagot "sige ba, bubukod din kami ng ate mo" sabi ni martin
nagulat ako nang buhatin ako ni martin at paupuin sa harang nung pila "mark picture" 2 words lang pero agad na sumunod si mark
"chloe yuko ka tas hawakan mo sa face si martin, tas martin tignan mo lang si chloe" sabi ni mark, kasunduan namin na di na nya kami pipicturan kung di namin sya susundin
dahil mahaba ang pila madami pa kaming pose na ginawa dahil sabi ni mark, nung bababa ako ay binuhat ako ni martin
"martin ikaw naman umupo tas chloe sandal ka lang sa kanya, fierce look!" sabi ni mark tsaka namin ginawa at tinignan namin ang pictures
ang ganda ng tandem ni mark at mica dahil si mark ang nagpipicture at nagsasabi ng pose habang si mica naman ay inaayos ang buhok at damit ko, naging mini photoshoot lang naman to
pinicturan din ni martin silang dalawa pero yung dalawa na ang nagiisip nang pose nila kaya tawa kami ng tawa
naunang sumakay sila mark at mica tsaka kami sumunod tsaka sila carl. Kahit umaandar ay nagfaflash ang camera ni mark paharap samin
nagselfie din kami ni martin at pinipicturan ko din sila mark at sila carl, habang umiikot ay sinend na agad ni mark ang pictures kaya nakapagupload agad kami
nagpalit ulit ako nang profile pic dahil may kaibigan kami na nalilito sa profile namin dahil parehas
ginamit ko yung isang picture na ako yung nakaupo at magkatinginan lang kami ni martin habang hawak ko yung pisngi nya
"martin wag ka na magpapalit! nagrereklamo na sila hannah, nalilito na daw sila kasi parehas tayo nang profile pic" sabi ko tsaka sya tumawa
"buti naman at naisipan mong magpalit, nakadisplay sa mga kaibigan mong lalaki katawan mo" sabi nya tsaka ko sya tinignan
"eh bat mo ginamit kung ayaw mong may makakita" sabi ko tsaka nya ko nginitian "syempre kaya kong upakan bumastos sayo" sabi nya tsaka sya lumipat sa tabi ko
"see! na overcome mo na yung fear mo sa heights" sabi ko sa kanya at nakangiti sya tsaka hinawakan yung kamay ko habang yung isa ay nakaakbay
"natry mo na istalk accounts ko?" tanong nya at umiling ako "try mo ngayon" sabi nya kaya tinignan ko at totoo nga na bihira lang to magpost
"bakit ang post mo lang pag laro ng basketball at racing pero ilang picture lang tapos pagfamily, bakit wala si molly" tanong ko dahil alam ko na yun yung gusto nyang mahalata
"simply because im not that social person who keeps on making noise on social media" sabi nya tsaka ko sya tinignan
"eh bakit pinost mo yung pictures ko, pictures natin tapos always update ka even breakfast" tanong ko sa kanya "di ko din alam eh, ano ba kasing ginawa mo sakin" sabi nya tsaka kami tumawa
pagkatapos nung giant wheel ay nagyayaan kami na kumain dahil 8 na nang gabi tsaka nagyayaan na umuwi
hinatid lang namin si gail tsaka kami hinatid ni martin sa bahay "gusto mo dito ka na matulog" sabi ko nang makababa na si carl nang sasakyan
"wag na, tsaka aalis nga pala ako bukas pupunta ako sa farm sa laguna. Sa isang araw din ang balik ko" sabi nya tsaka ako nagpaalam
pinagbuksan nya ako nang pinto tsaka ako nagpaalam ulit "ingat sa pagdadrive, di naman race track ang lahat ng daanan" sabi ko tsaka sya natawa
"opo babagalan na pagdadrive, sige na pumasok ka na. Pagpasok mo tsaka ako aalis" sabi nya sakin kaya pumasok na ako sa bahay
BINABASA MO ANG
I'm his pretend girlfriend
ChickLitChloe Eloise Suarez, simple girl na laging deans lister at scholar kaya naman ay strict ang kanyang parents in means of relationship but she's in a secret relationship with the campus crush Harvey Lim, barkada lang ni harvey ang nakakaalam nun and c...