chloe's POV
"ingat ka dun, text mo ko pagandun ka na" sabi ko kay harvey nang ihatid namin sya dito sa airport dahil pupunta na sya sa singapore
"sige na, alis na ko" paalam nya tsaka pumasok kaya naiwan ako kasama ang mga kaibigan nya at niyaya ako ni jella na sumabay na sa kanya pauwi
habang nasa sasakyan ay nagtanong si jella "alam ba sa inyo na mag boyfriend kayo ni harvey?" tanong nya sakin at umiling ako
"bawal ka?" tanong nya sakin habang nagdadrive "di ko alam pero ayaw din ni harvey pumunta samin" sagot ko at napailing nalang sya
"taran*ado talaga yun, alam mo ba na ganun din sya sakin dati" sabi nya kaya nagulat ako at napatingin sya sakin sandali
"ops! you mean di mo alam na ex ako ni harvey?" tanong nya at ngumiti lang ako tsaka tumango
"naging kami pero he didn't even bother na pumunta sa bahay at magpakilala sa parents ko, di nga din ako kilala nang parents nya eh tas may rumors na ginamit lang daw nya ako para makilala sa campus" sabi nya tsaka ngumiti
"ano nagustuhan mo kay harvey?" tanong ni jella sakin at nabigla ako at sa gulat ay di ko alam ang isasagot
"di ko din alam eh pero para sakin mabait sya" sagot ko at natawa lang si jella "you think mabait yun?! eh yun ang pinakamasahol na ugali sa mga lalaki sa barkada namin eh" sabi nya
"dont get mad pero ill be honest, i cant feel love from harvey kada magkasama kayo. I think nakarating naman na sayo yung rumor na ginagamit ka lang nya" sabi nya sakin
"oo, pero di ko naman pinapaniwalaan yun" sabi ko at nakitang ngumiti sya "ang swerte ng gagong harvey na yun sayo" sabi nya tsaka kami natahimik
pagtapat sa gate namin ay nagpasalamat ako sa kanya tsaka bumaba at agad din syang umalis para umuwi
naging palaisipan sakin ang naging paguusap namin ni jella at ang mga naririnig kong chismis na ginagamit lang ako ni harvey
pero bakit nga ba di ako pinapakilala ni harvey sa parents nya, kung tutuusin ay pwede nya ako isama dahil may passport ako at di naman kailangan ng visa dun
siguro din naman ay papayagan ako nila mama na umalis kasi may tutuluyan naman dun at may kamaganak din kami dun
madami pang tanong sa utak ko tulad ng bakit di pumupunta si harvey dito sa bahay at parang ayaw nyang makilala sya nila mama
sa gitna ng pagiisip ay tumawag si hannah na pupunta daw sya dito sa bahay kaya agad akong nagayos ng sarili ko at hinintay syang dumating
pagdating nya ay tumambay lang kami sa terrace namin at nagdaldalan tungkol sa kung ano-ano at sumunod din si lexy dito sa bahay
BINABASA MO ANG
I'm his pretend girlfriend
ChickLitChloe Eloise Suarez, simple girl na laging deans lister at scholar kaya naman ay strict ang kanyang parents in means of relationship but she's in a secret relationship with the campus crush Harvey Lim, barkada lang ni harvey ang nakakaalam nun and c...