chapter 4

237 15 0
                                    

chloe's POV

nagising ako sa pagalog ni carl sakin "ow? bakit ka ba nanggigising wala naman akong pasok bakasyon ano kaba" sabi ko kay carl

"si kuya martin kanina pa daw tumatawag sayo di mo sinasagot" sabi ni carl at inaabot sakin ang cellphone nya na bigay ni martin

"hello?" sabi ko habang binubuksan yung bigay ni martin na phone at nakita ko na ang dami nyang missed calls

"magbihis ka na, sunduin kita papaayusan kita tas sasama ko si carl para naman may kasama ako sa pagiintay" sabi nya tsaka binaba ang call

pumunta ako sa sala at nakita si mama kaya nagpaalam ako na lalabas kami ni martin kasama si carl at agad silang pumayag

nagsuot lang ako ng pantalon at sandong puti na tinernohan ko ng blazer ko na grey at sandals

pagkatapos ko magayos ay bumaba na din ako at nakita si martin, lumapit sya at nakipagbeso. after nang awkward scene na yun ay tinawag ko si carl

agad itong bumaba at bumati sa kuya martin na tsaka kami nagpaalam na aalis na "wow naman kuya martin! ang ganda ng sasakyan mo!" sabi ni carl at ngumiti lang si martin

habang nasa byahe ay tahimik lang ako kaya nagsalita na si martin "carl ilang taon ka na?" tanong nya kay carl

"13 po, incoming grade 8" sabi ni carl at natawa lang kami ni martin, alam ko na iniiwasan ni martin ang awkward dito sa sasakyan

kaso sinagot na ni carl ang susunod nyang tanong at halatang wala na syang masabi kaya tumawa ako at nagulat ako sa sunod nyang ginawa

hinawakan nya yung kamay ko habang nagdadrive, hinayaan ko nalang sya dahil kung tatanggalin ko maghihinala tong si carl samin

sya mismo ang nagtanggal nang seatbelt ko tsaka kami bumaba at sinabi ni martin na pwede namin bilhin ang gusto namin kaya naman itong si carl ay tuwang tuwa

"carl, gusto ko pag-gagala tas kasama ako ibibigay mo sa ate mo yung cellphone pati bago matulog baka mamaya magpuyat ka sa cellphone mo, bawal lagyan ng password kundi babawiin ko yan" sabi ni martin

agad na inabot sakin ni carl ang phone nya at naglakad-lakad kami, may mga times na bigla nalang ako hahawakan sa kamay ni martin kaya nagugulat ako

napadaan kami sa bilihan ng ps4 at tinitignan yun ni carl "gusto mo ba yan?" tanong ni martin at tumango si carl

"paalam ka sa ate mo kung pwede ko bilhin para sayo" sabi ni martin kahit magkakaharap lang kami at si carl naman ay nagpaalam nga

"wag na! binigyan ka na nga ni martin ng phone eh" sabi ko at nakita ko na sumimangot si carl dahil di ako pumayag

"babe payagan mo na kasi akong bilhan si carl ng ps4" babe? so yun ang gusto nyang term of endearment namin, nakakadiri

Kung di lang talaga dahil sa video at kung di rin lang talaga kami magbebenefit dito di ko gagawin to, sayang din wala akong budget para sa nga kaartehan sa pagpapaganda

"no! pagnagpasukan na mawawalan ng focus yan sa pagaaral tsaka sayang lang yung pera" sabi ko tsaka ginulo ni martin ang buhok ni carl

"paano ba yan ayaw ng ate mo, punta nalang tayo sa condo ko mamaya meron ako dun" sabi ni martin at nakita ko na tuwang tuwa si carl

nagikot-ikot pa kami at binilhan ni martin si carl ng mga damit at sapatos habang binilhan nya ko ng bag na sya mismo ang nagsipili at halatang mamahalin to

"chloe, mamaya daw sa condo pupunta yung stylist kaya habang namimili ka ng damit at inaayos yang buhok mo maglalaro kami nitong kapatid mo ng ps4" sabi nya

lumapit sya kay carl na tumitingin ng gitara "you play guitar?" tanong nya kay carl at tumango ito "babe baka naman pwede ko na bilhin to para kay carl" sabi ni martin

lumapit pa sya sakin at isinabit yung buhok ko sa likod ng tenga ko "pwede ko bang bilhan ng gitara ang kapatid mo?" tanong nya

naglakad lang ako mga dalawang hakbang palayo dahil sobrang lapit namin "baka naman maspoiled si carl sayo" sabi ko

"ok lang, wala naman akong kapatid eh" sabi ni martin "sige na! bumili na kayo" sabi ko at pinapili ni martin si carl ng gusto nya habang magkatabi lang kami

nagulat ako nung pumunta sya sa likod ko at niyakap ako "di naman nakatingin si carl, di mo kailangan magpanggap" sabi ko at tumawa sya nang mahina

"you mean kung totoong gagawin ko to gusto mo kita ng kapatid mo?" sabi nya at nararamdaman ko na ang hininga nya sa tenga ko

ipinatong nya ang ulo nya sa balikat ko at yakap parin ako "martin, tumigil ka nga" sita ko sa kanya at may hinawakan na si carl na gitara

"you want that?" tanong ni martin na yakap padin ako at tumango ang kapatid ko kaya naramdaman ko na tinanggal na nya yung kamay nya

mabilis nya akong nahawakan sa kamay kaya sumama ako sa kanya na puntahan si carl, humingi sya ng stocks at tinry yun gamitin

binayadan nya yun at binilhan pa si carl ng accessories para dun, nagyaya sya na maggrocery at pagkatapos ay dumeretso na kami sa condo nya

I'm his pretend girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon