chapter 12

218 15 0
                                    

Chloe's POV

Nagkekwentuhan sila mica habang kami naman ni martin ay nagbabasa lang sa comments

Biglang nagcellphone si mica at nakita nya ang pinost namin "pati ba naman online nagpakasweet na kayo" sabi ni mica at tinignan ni mark

"Waw may pagpost" sabi ni mark at tumawa lang kami ni martin habang nakasandal yung ulo ko sa balikat nya

"Ganyan talaga ako pagmahal ko" sabi nya tsaka ako hinalikan sa buhok, nakita ko na tumingin nalang si molly sa malayo

"Babe, masyado pang maaga para pakiligin mo ko" pangaasar ko sa kanya habang nagcecellphone lang ako

"kuya, paano to?" Tanong ni carl kay martin about sa nilalaro nya at tinuro lang ni martin ang gagawin

May pabigla bigla syang paghalik sa buhok ko habang nagcecellphone kami "what about we spend the rest of the day with you guys and my friends" sabi ni molly at nagtinginan lang kami ni martin

May buhok na magulo sa kanya kaya inayos ko yon at itong si mica lahat nang gawin namin nabati nya "may pagayos ng buhok" sabi nya kaya natawa lati sila hannah

"Thats fine with me as long as im with my girl" sabi nya tsaka hinalikan yung kamay ko "then i think we're set, pababa na din yung mga yun" sabi ni molly

Pagkatapos kumain ay lumabas kami sa resto at nagpunta sa may swimming pool "guys picture" sabi ni mark habang hawak ang camera nya

Nagtanggal si martin nang sando tsaka tumabi sakin at inakbayan ako para sa picture

Nagpicture kaming dalawa at nakailang shots din tong si mark samin, tinawag din ni martin si carl para magpicture kaming tatlo

Pagkatapos ay naupo lang ako sa upuan sa gilid nang pool at nagtali nang buhok, nagulat ako nang lumapit si martin sakin at tinanggal yung sando nya

"Isuot mo to" sabi nya sakin habang inaabot "bakit?!" Tanong ko tsaka sya naupo sa harap ko "pinagtitinginan ka ng mga lalaki" sabi nya at inilapag ko lang yung sando sa upuan

"Magbibihis ka o ako magbibihis sayo?! Mas prefer ko yung second option" sabi nya at alam kong di na nagbibiro yung mukha nya

"Mica samahan mo nga to sa cr" sabi ni martin na nakakunot ang noo "huh? Bakit? Nasusuka ka ba? baka naman buntis ka na" sabi ni mica at natawa lang ako

"Magbibihis to, masyado na madami ang tumitingin" sabi nya at nakita ko na nakikinig si molly samin

Napilitan akong tumayo at magcr, tinanggal ko yung see through at sinuot yung sando ni martin

"grabe, kung di ko lang alam na nagkukunwari lang kayo baka pati ako naloko nyo" halos pabulong na sabi sakin ni mica at napangiti lang ako

Paglabas ay nakahiga si martin na isang malaking bench, naupo ako sa tabi nya "edi ikaw naman pinagtinginan" sabi ko sa kanya

"Di kasi ugali nang matinong boyfriend ang hayaan lang pagtinginan ang girlfriend nya" sabi ni martin at pinahiga nya ako sa tabi nya

Nasa may ulo ko ang braso nya at nakasandal ako sa balikat nya, naupo si mark sa katabing upuan sa side ni martin

"naipasa ko na sayo yung pictures" sabi ni mark tsaka kinuha ni martin ang phone nya

Nagupload sya at di ko na tinignan kung ano yun para surprise pagkatag nya, akala ko ay simpleng upload lang ang ginawa nya pero hindi

Ginawa nyang profile picture ang picture naming dalawa at pinalitan din nya ang cover photo nya ng stolen picture ko habang nagaayos ng buhok kanina

Dahil nga sikat sya ilang minuto palang ay andami na nyang nakuhang likes at pati na comment, naisip ko na palitan din ang profile picture ko tulad ng sa kanya

Kung dati ay nilalangaw ang pictures ko pagnaguupload ngayon naman ay madami na din ang naglalike dahil na din siguro si martin ang kasama sa picture

Nagulat ako nang pati si molly ay ilike ang profile ko kaya pinakita ko kay martin yun at pati sya ay natawa

"Tara swimming tayo?" Sabi nya tsaka tumayo at inabot ang kamay nya sakin kaya kinuha ko yun at magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa pool

"Ayy nga pala! Fiona, Yanyan, Gerie this is martin and her girlfriend chloe" pakilala samin ni molly sa mga kaibigan nya at nginitian ko lang sila tsaka kami nagtuloy tuloy sa paglakad

"Punta tayo sa gitna" yaya ni martin sakin at umiling ako "bakit?" Tanong nya "di ako marunong lumangoy" sabi ko at tumawa lang sya

"Pasan ka sa likod ko" sabi nya tsaka ko ginawa, niyakap nya yung kamay ko sa leeg nya tsaka naglakad papunta sa gitna

Pagdating sa gitna ay tinanggal nya yung kamay ko at hinawakan nya ko tsaka ako yumakap sa harap nya

"ano ka ba nasa gitna na nga tayo kinakabahan ka pa" sabi nya sakin "eh takot nga kasi ako sa malalim eh" sabi ko sa kanya

Hinigpitan nya yung yakap nya at hinagod yung likod ko "wag ka ngang matakot, tingin mo hahayaan kita malunod" sabi nya habang natatawa pa

Napatingin ako kila hannah, lexi at mica na nagtatawanan habang nakatingin samin kaya alam ko na kami pinaguusapan nito

Si carl naman ay kasama ang kapatid ni eric na kararating lang, at imbes na magswimming ay pinili nila na magcellphone

Tinanggal ulit ni martin yung kamay ko tsaka hinawakan yun "hawak ka lang, try to point you toes" sabi nya kaya ginawa ko pero di ko talaga abot

"Di ko talaga maabot" sabi ko tsaka kami tumawa, ibinalik ako ni martin sa pagkakayakap sa kanya tsaka kami pumunta sa mababaw

"Dyan ka lang! Wag kang aalis!" Sabi nya tsaka hinalikan ang kamay nya at nilagay yun sa pisngi ko, nagulat ako dahil ang galing nya lumangoy

I'm his pretend girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon