martin's POV
nakita ko si molly na papalapit sa sasakyan ko, andito ako sa racing place namin kasama ang barkada ko
"ilang beses ko ba uulitin na wag ka na magraracing! ang kulit mo!" sabi nya sakin habang umiirap
"change now! samahan mo ko sa mall, bumawi ka! intayin kita sa kotse" sabi nya at umalis habang ako ay walang ibang choice kundi ang magbihis
pagkabihis ko ay pumunta ako sa sasakyan tsaka nagdrive papunta sa mall na sinasabi nya habang sya ay pinagsasabihan ako na kesyo delikado ang racing
pagdating namin sa mall ay nakipagkita sya sa mga amigas nya habang ako parang anino na sumusunod sa kanya pati ang mga boyfriend ng kaibigan nya
nagshopping silang mga babae at napikon ako dahil mukha na kaming mga alila na tagabitbit nila ng mga pinamili
sa inis ko ay nilapitan ko sya at ibinigay ang mga pinamili nya tsaka sya hinila "sinama mo ko para may alalay ka?" pabulong kong sabi sa kanya
"so ano pagod ka na? let me just remind you na kailangan mong bumawi! sawa na ko sa ganitong set-up natin martin!" sabi nya
tinanggal nya ang bracelet na bigay ko at binalik yun sakin "ayoko na martin! di ka naman nakikinig sakin eh!" sabi nya tsaka umalis kaya naglakad nadin ako palayo
pumunta ako kila eric at naglabas ng sama ng loob sa kanya dahil nagyaya din sya na maginom
"alam mo pre dahil lang sa napikon ako kanina sa kanya nakipaghiwalay na agad sya! nung sinundo nya ako sa racing galit na ko nun pare pero di ko sya hiniwalayan" sabi ko
"eh kasi naman pinagbabawalan ka pala nya pero pumupunta ka padin dun" sabi ni jeric kaya tinignan ko sya bago sumagot
"matagal na akong nagraracing, bago ko pa sya maging girlfriend hobby ko na yun eh" sabi ko at natawa lang sya
"alam mo isa lang problema mo, kung paano mo mababalik sa buhay mo si molly. Tapos ang usapan di yung andami mo pang sinasabi" sabi nya sakin
"yun nga eh paano ko sya mapapabalik sakin?" tanong ko at ngumisi sya tsaka tumayo "simple lang!" panimula nya kaya tinignan ko lang sya
"pagselosin mo pre! babalik yan pustahan! pagpinagselos mo at di talaga bumalik ibibigay ko sayo 911 carrera 4s ko" pusta nya kaya um-oo nalang ako
ngayon parang mas pipiliin kong wag nang bumalik si molly dahil sa offer ni eric pero syempre joke lang, mas importante si molly kesa sa sasakyan
pero isang malaking sino ang gagamitin kong babae para magselos sya. di naman pwede sila jella, si bernice, si mica at si alex dahil kilala nya na yun
pagkatapos namin maginuman ay umalis na din ako sa kanila di para umuwi kundi para puntahan ang isang babae na pwede kong gamitin para mapaselos si molly
maganda sya, matalino at mahinhin kaya sya yung napili ko na gamitin kaso lang ay ang problema ko kung paano ko sya mapipilit
nakita ko ang dash cam ng sasakyan ko kaya tinanggal yung mismong camera at ibinulsa tsaka kumatok sa bahay nila
nang makapasok ako ay naupo muna ako sa upuan dito sa labas at itinago ko ang camera na nagsastart na magvideo sa likod nang halaman
pumasok ako sa bahay nila dahil pinapasok ako at nakita ko ang isang lalaki, eto ata yung kapatid nya
naglaro ako ng games at nakita ko na napatingin sya at nagtanong kung pwede manood, pinahiram ko muna sa kanya ang cellphone ko
nakita ko ang ate nya na bumababa ng hagdan kaya niyaya ko itong magusap sa labas, sinadya ko na hagip kami sa camera
BINABASA MO ANG
I'm his pretend girlfriend
ChickLitChloe Eloise Suarez, simple girl na laging deans lister at scholar kaya naman ay strict ang kanyang parents in means of relationship but she's in a secret relationship with the campus crush Harvey Lim, barkada lang ni harvey ang nakakaalam nun and c...