chapter 15

225 13 0
                                    

Chloe's POV

Lumabas kami ng hotel na dalawa lang hawak nya yung kamay ko habang nauuna ako

Kanina kasi ay sa pool side lang kami pero ngayon ay pipicturan daw nya ako sa may dagat

Habang nakaharap ako at hawak nya yung kamay ko ay pinicturan nya ko, after nun ay niyakap nya ko tsaka inakbayan habang naglalakad

Nadaanan pa namin si molly at mga kaibigan nya na tinignan lang kami pero di na namin pinansin, simula kanina ay nakangiti lang ako

Tinuruan ako ni martin kung ano ang gagawin ko or kung anong pose tsaka nya ako pipicturan

Hiniram ko yun at sabi ko ay pipicturan ko din sya para naman maicover ko sya pero ayaw nya, ako nalang daw ang pipicturan nya

Naupo kami sa tabi yung tipong nababasa yung paa namin tsaka namin tinignan ang pictures

"Ang gaganda ng smiles mo dito, you'll be my favorite model" sabi nya tsaka ko sya hinampas sa braso at unti-unti nyang nilapit ang mukha nya

"Sorry to interrupt you guys but di pa ba kayo pupunta?" Sabi ni molly sa likod at narinig ko na tumawa nang mahina si martin tsaka yumuko

"Pupunta nalang kami kung kelan namin gusto" sabi ni martin sa kanya at napatango nalang sya "ok, hinahanap kasi kayo nila mark" sabi ni molly

"Babe you know what pumunta na tayo dun, si carl baka magtampo na sakin yun" sabi ko habang inaayos yung buhok nya

"Sige tara" sabi nya tsaka tumayo at tinulungan ako tumayo tsaka kami pumunta sa cottage

"kuya" sabi ni carl at lumapit kay martin, ginulo lang ni martin ang buhok ni carl tsaka kami naglakad

"Himala at binitawan mo cellphone mo" sabi ko kay carl nang nakita ko na nakabulsa lang yung cellphone nya

"See kaya ayaw ko na bilhan mo to ng ps4, lalo na pag sa kwarto nya nilagay baka di na matulog to" sabi ko habang kinukuhaan namin ni martin nang pagkain si carl

Ilang linggo na din kasi kami nagtatalo kung bibigyan nya si carl ng ps4

"bat di mo ginagamit phone mo?" Tanong ni martin kay carl "lowbatt na, di dinala ni ate charger ko" sabi nya samin

"Dapat kasi ikaw na nagaayos nang gamit mo, maggagrade 8 ka na eh" sabi ni martin kay carl tsaka hiningi yung cellphone

"After dinner umakyat ka na sa taas, matulog kang maaga lagi nalang nagpupuyat eh" sabi ko at um-oo naman si carl dahil no choice sya

Di na nya kakampi si martin eh, after kumain ay nagpaalam kami na iaakyat lang tong si carl

Paghatid namin kay carl sa kwarto ay hinila ako ni martin sa kwarto tsaka kinuha ang charger para icharge ang phone ni carl

Ilang sandali lang ay nagbukas na yon at tinignan namin agad ang social media accounts nya

May isang babaeng nagchat sa kanya at nireplyan nya nang di daw sya pwede sa relationship dahil magagalit ako sa kanya tapos ay baka mapagalitan din daw sya ni kuya martin nya

Nung nabasa namin yun ay natuwa kami "iba talaga, mana ata to sa kuya sa kapogian" sabi ni martin at dahil magkatabi kami na nakaupo at nakasandal sa headboard nang nilapag ko na yung phone ay pinasandal nya ko sa balikat nya

"Tinatamad ako bumaba, inuman lang naman dun eh" sabi ni martin tsaka hinawakan yung kamay ko "bakit naman? ayaw mo makipaginuman? Andun sila mark tsaka si eric" sabi ko sa kanya

"makikita ko lang si molly dun eh, iinit lang ulo ko" sabi nya sakin "loko ka! Kita mong may lipstick stain ka na kanina na nakita nila mica baka mamaya iba isipin nun pagdi tayo bumaba" sabi ko sa kanya

"Edi magisip sila, wala naman akong pake eh. Pwede nman natin gawin ulit" sagot nya sakin "tara na, baka magtampo sila hannah kasi lagi tayo magkasama" sabi ko tsaka tumayo pero sya ay nakaupo parin at hawak ng kamay ko para din maiwasan yung awkward topic about kanina

Ilang pilit pa ay tumayo na sya at bumaba na kami, nakita namin sila na nakaupo sa mga kahoy at may bonfire sa gitna "ang tagal naman, pinaghele nyo ba si carl?" Pabirong tanong ni mica

Naupo kami sa bakante na kahoy, kaharap nang kay molly at gary. Nagshoshot sila at nung pangatlo ikot na ay kinuha na ni martin yung para sakin

"ako na iinom nung kay chloe" sabi ni martin at kinilig naman yung iba "mahirap na kung parehas tayo lasing" bulong ni martin tsaka ngumisi kaya hinampas ko sya sa braso

"hon, lasing na ko" sabi ni molly kay gary "kaya mo yan honey, sige lang" sagot naman ni gary sa kanya kaya ininom nalang nya

After ilang ikot nang shot ay nagtruth or dare at natapat yun kay mica "so, is it possible na magkagusto ka sakin?" Tanong ni mark sa kanya

nagulat kami dahil saan kumuha ng lakas ng loob si mark para magtanong ng ganon kay mica

Dahil sa kalasingan din siguro ay di sumagot si mica kundi nagulat kami nung halikan si mark "ngayon alam mo na?" Tanong nya tsaka tumayo "akyat na ko, lasing na din eh" sabi nya tsaka sumunod si mark sa kanya

I'm his pretend girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon