chapter 7

222 14 0
                                    

Chloe's POV

After namin magdinner ay balik sila sa paglalaro habang ako ay nagtingin-tingin sa cabinet kung ano pwede i-midnight snack nung dalawa

Nakakita ako ng pangpancake at oreo kaya kinuha ko yun at nilagyan ng itlog at kung ano-ano pa

Gumawa ako ng fried oreos dahil favorite to ni carl at sana naman magustuhan din ni martin

Habang nagluluto ako ay may nagdoorbell, tumayo naman si martin para buksan yun

Si mica kasama si mark, lumapit si mark kila carl habang si mica naman ay lumapit sakin

"Hi chloe" bati nya at nakipagbeso "dont worry alam na ng barkada na nagpepretend kayo" sabi nya tsaka umupo sa upuan

"You know what? Kung icocompare yung samahan nyo ni martin at ni harvey..." Sabi nya at tumigil pa sya sandali

"Mas mukha pa kayong magboyfriend ni martin, considering pa na bago palang ha" sabi nya at pinakita ang mga picture simula nung unang araw na nagkunwari kami ni martin

"Kanino galing?" Tanong ko at tumawa si mica "sinend ni martin sa gc, lagi daw kayo pinipicturan ni carl" sabi nya at tinignan ko lang si carl na tuwangtuwa

"Kilala ba ni harvey yang kapatid mo? Or pamilya mo?" Tanong ni mica at umiling lang ako

"Babe! Sunduin natin sila hannah tsaka si lexi, sleepover tayo dito?" Sabi sakin ni martin kaya sinabi ko na itetext ko

Nagreply naman sila na sige daw kaya sinabi ko kay martin na magbibihis lang ako tsaka namin sila sunduin

Pagpasok ko sa kwarto nya ay nagbihis lang ako ng short at tshirt na dala ni mica tsaka lumabas at umupo sa dining table katabi ni mica

"You have full access of his room tapos may damit ka pa don" sabi ni mica sakin at napangiti lang ako

"kaya nga eh, samantalang condo nga ni harvey di ko alam kung saan" sabi ko at tinignan nya ako nang seryoso

"Alam mo kung bakit? Kasi nga di naman sya seryoso sayo" sabi ni mica at nasaktan ako dun aaminin ko

"Kahit naman si martin ginagamit lang ako para magselos si molly" sabi ko at napailing sya

"Kahit kaming barkada nya di makapasok sa kwarto nya" sabi ni mica at napatawa ako ng mahina dahil alam ko naman na naglolokohan lang kami

"Kaya nya ko hinahayaan pumasok kasi andito yung kapatid ko, baka mahalatang di ko sya boyfriend" sabi ko

Napatango nalang sya tsaka ako niyaya ni martin na sunduin sila hannah at lexi sa guard house sa school

"Ang bait ng kapatid mo! Bakit di nya nakakabonding si harvey?" tanong ni martin sakin habang nagdadrive

"Di nga kasi interesado si harvey sa pamilya ko" sabi ko at napatingin lang sya sakin at di na sumagot

Ano bang trip nang nga to at sinasampal sakin na di importante kay harvey ang pamilya ko at lumalabas na di naman nya talaga ako mahal

Paghinto namin sa guard house ay nagulat sila sa dala naming sasakyan, ako nalang ang pinababa ni martin

"Sige na ikaw nalang ang bumaba, tignan mo nga suot ko oh" sabi ni martin dahil nakawhite tshirt lang sya at short na pangbahay

Bumaba ako at lumapit kila hannah at lexi na may nakasukbit na backpack sa likod nila "kay papa martin na sasakyan yan diba" sabi ni lexi

"Ill explain it to you next time, sakay na dun tayo sa condo nya magsesleepover" sabi ko at sumakay naman ang dalawa sa likod habang ako ay sa harap

Hinawakan lang ni martin ang kamay ko tsaka nagdrive "guys nagdala kayo nang pangswimming?" Tanong ni martin tsaka tinignan ang dalawa sa rear mirror

"Huh? Ahh... wala eh" sabi ni hannah at napatingin lang sakin ni martin, di naman kasi nya sinabi na magsiswimming

"Wag na kayong mailang sakin, bukod sa barkada ako ni harvey ako na ang bagong boyfriend ng kaibigan nyo" sabi ni martin

Nakita ko na nagulat yung dalawa sa likod kaya tinignan ko sya at pinandilatan dahil pati ako nagulat wala to sa pinagusapan

Pagdating namin sa condo nya ay nagpark sya tsaka nya ko pinagbuksan at naglakad kami papunta sa unit nya

Pinauna ko sya maglakad at sumabay kila hannah "beh mas bet ko yan si martin kesa kay harvey" sabi ni hannah

"Oo nga tsaka sya mukhang proud na girlfriend ka di tulad ni harvey" dagdag pa ni lexi

Pagdating ay sumakay lang kami nang elevator, sumandal ako sa likod at tumabi si martin tsaka hinawakan yung kamay ko

unti-unti syang lumapit sakin, paglapit nya ay kinurot ko sya sa tagiliran habang sya ay kiniliti ako

Napatili ako kaya naman yung dalawa tumingin lang samin "mamaya na harutan, mahal na mahal isa't isa" sabi ni lexi kaya natawa lang kami ni martin

Pagpasok namin ay agad na nagsalita si carl "kuya martin ang galing din pala maglaro ni kuya mark" sabi ni carl

"Ginagawa mo dito carl?" Sabi ni hannah dahil sa gulat "bahay to ni kuya martin eh, boyfriend ni ate" sabi ni carl

Tinignan ako ng dalawa na para bang nagtatanong ng maraming bagay "dun nalang sa isang room nyo ilagay yung gamit" sabi ko

Sinamahan ko sila papunta sa pangatlong room at nilagay ang gamit, mukhang masasabon ako ng mga tanong nito

I'm his pretend girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon