chapter 37

175 12 0
                                    

chloe's POV

After more than 1 month ay natuloy din ang company outing namin ngayon, andito ako at inaayusan si via tsaka naman pumasok nang kwarto si martin para magyaya na

"tara na? complete na daw lahat ng department dun checked by corresponding department heads while ang marketing department ay si mica na ang nagcheck" sabi ni martin tsaka kami sumakay nang kotse

nakasunod lang kami sa mga bus hanggang sa zambales kung saan kami magaouting, si via ay nakaupo sa likod katabi ang yaya nya habang nagcecellphone

Nagsoscroll ako ng news feed ko sa social media using my right hand at nagulat ako nang biglang hawakan ni martin yun left hand ko, not just simple hawak, fingers intertwined talaga kaya tinignan ko sya

Pagtingin ko sa kanya at tinignan nya din ako tsaka ngumiti, di ko alam kung ano sumapi sakin pero i closed my hand kaya magkahawak na talaga kami tsaka ako nagsmile

Huminto kami sa isang gasoline station dahil na-ccr na daw si via, sinamahan sya ni yaya while ako naman ay pumunta sa convenient store to buy snacks para sa byahe at para din kay via sa resort

Habang nagbabayad ay tinignan ko yung phone ko, nakita ko na nagpost si martin

After 5 years, finally!

Post nya at madaming naintriga na nagtatanong kung ano yun, napangiti nalang ako nung nakita ko yung post nya. I stalked at his profile pero di talaga sya nagupload, puro tag lang. Last post nya is nung nagchange pa sya nang profile pic then yung swimming pa namin

Pagbalik ko sa sasakyan ay andun na sila via, pagkaupo ko ay sinabihan ko muna si martin na magselfie muna kami sa sasakyan bago bumyahe ulit. Cellphone ni martin ang ginamit ko pangpicture

Pinost ko yun using his account, naglagay lang ako nang emoji na family as caption. Binantayan ko yung comments. Some are shocked dahil nagets na nila, some are still confused and I saw na nagcomment si molly

So this is why you ignored my proposal

Sabi ni molly kaya kinuha ko yung phone ko to reply on her comment kaso ay inagaw ni martin ang phone nya at nabasa yung comment ni molly "dont reply on her comment! Just ignore her" sabi ni martin tsaka ibinalik yung phone nya na nakapatong sa hita ko

I think you're right, he ignored your proposal because me and her daughter are back

Reply ko at may mga nagreact pa kaya tumunog at kinuha ulit ni martin yun kaya nakita nya yung reply ko "sabi ko wag mo na patulan eh" sabi ni martin nang hindi ako tinitignan

"ano ba offer nya sayo?" tanong ko kag martin at tinignan nya ko sandali "she wants to tie up the clover to her advertising company, meaning free na from advertisement fee kaso lang ang kapalit ay arranged marriage" sabi ni martin kaya di nalang ako sumagot

Pagdating sa resort ay pinagipon muna lahat sa clubhouse dahil ibibigay palang namin ang susi nang rooms nila, habang hinahanap ko yung list ng roommates nila ay lumapit si martin sakin "ngayon na ba natin sabihin yung about kay via?" Pabulong nyang tanong

"siguro oo, baka nga nakita na din nila yung pinost ko sa acc mo" sabi ko kay martin at umagree na din sya, ako na yung nagassign nang rooms sa kanila after ko ibigay ang keys ay pumunta naman si martin sa tabi ko

"HR department head we need you here infront" sabi ni martin tsaka lumapit ang hr namin "we all know that office romance is strictly not allowed unless you're from different departments. Actually dati i move the other to another branch but now i changed it..." Sabi ni martin and all eyes are on us

"Hr, what if its between me and a department head?" Tanong ni martin at di agad nakasagot ang hr "since you can't answer me, majority wins. This is Chloe, our marketing department head and this is via our daughter" sabi ni martin while pointing on us

I expected na magchichismisan sila pero hindi eh, they are like high school students na nang aasar "no need for majority wins, after this outing then maybe I'll resign" sabi ko at nakita ko na nagulat si martin sa sinabi ko

After some announcement ay nagpunta na kami sa rooms namin, magkakasama kaming tatlo sa room while ang yaya naman ni via ay may sarili din na room. Pwede si via magstay sa room nang yaya nya kung wala man kami ni martin sa room

pagpasok sa room ay kinausap agad ako ni martin "magreresign ka talaga?" Tanong nya habang nakangiti kaya tumango ako "feeling ko kasi nauubusan tayo ng time to bond with via, ikaw madali mong mamanipulate yung schedule mo but me im not" sabi ko at lumapit sya tsaka ako niyakap then he kissed me on my forehead

Sumilip ako sa bintana at nakita ko na mga nakaswimsuit na ang mga babae na kasama namin, we require them to wear swimsuit to enhance their confidence. Nagbihis na din ako sa cr at paglabas ay nakaayos na din si martin kaya bumaba na kami

"Nagtwo piece ka nanaman" sabi mo martin kaya tumawa nalang ako tsaka sya tinignan, inakbayan nya ako habang naglalakad so nilagay ko yung kamay ko sa likod nya. Pagkita namin ay nakaswimsuit na din si via kasama ang yaya nya

Pair kami ni via ng swimsuit, nakita kami ni mark na may dala ulit na camera "chloe and via picture ko kayo" sabi ni mark kaya nagpose ako at ginaya ako ni via kaya natawa kami nila martin, naupo si martin sa tabi ko tsaka kinalong si via at pinikturan ulit kami ni martin

"Dati dalawa lang kayo ngayon tatlo na" sabi ni mark tsaka kami naglakad lakad kasama si mica at via, pinagpahinga ko nalang din muna ang yaya ni via dahil kasama naman kami ni martin. Nagpicture kami sa tabing dagat, sa pool at sa kung saan-saan pa

Mamaya pa ang scheduled activity namin, we give this time for them to familiarize the resort and para din makapag picture taking na or yung iba para makapagrest dahil mahaba din ang byahe namin

I'm his pretend girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon