chloe's POV
ilang minuto lang ay bumalik si martin at inabot sakin ang napkin "tell me if you still need anything"
paglabas ko ay nakapangbahay na ako at nakita ko na nakahiga na sya at may paper bag sa side table
"ano to?" tanong ko sa kanya habang tinitignan ang bag at naupo sya "snacks, chocolates para pagnagutom ka ng madaling araw" sabi nya tsaka ako ngumiti
naupo ako sa tabi nya at niyakap nya ako mula sa likod "di ako makatulog pag di kita katabi" sabi nya kaya nilingon ko sya
"so di ka natulog kagabi?" tanong ko sa kanya "no, natulog ako pero pagising gising ako" sabi nya tsaka kami nahiga at natulog
nagising ako nang maaga kaya nagayos ako nang sarili ko tsaka bumaba at nagpunta sa dirty kitchen "good morning po maam magluluto po kayo?" tanong nila sakin
"opo sana eh, ano po ba meron dyan?" tanong ko at sabi nila hipon daw kaya hiningi ko para makapagluto nang honey buttered shrimp
"dun na po kayo sa kusina magluto, girlfriend naman po kayo ni sir eh" sabi nila tsaka ako ngumiti at nilipat namin ang ingredients sa counter top ng kusina
habang nagluluto ay dumaba si martin at pumunta sa kusina "ang bango naman nyan babe" sabi nya tsaka ako niyakap
"good morning" bati ko tsaka kami naupo dahil sabi nung katulong ay sila na daw ang magseserve
kinuha ko ang phone ko at nagselfie kami tsaka ko inupload with caption 'goodmorning' followed by sunflower emoji
madami ang nagcocomment na ang fresh daw nang mukha ko kada morning pictures namin ni martin
habang nagiintay nang pagkain ay bumaba sila mica "ang aga-aga ang sweet" sabi ni mark habang pababa nang hagdan
"bakit ang aga nyo magising or natutulog pa ba kayo" tanong ni mica kaya tumawa kami ni martin
"martin may mga nagchat sakin, tinatanong kung live in na daw ba kayo kasi lagi kayo magkasama" sabi ni mark
"tell them na papunta-punta lang" sagot naman ni martin at agad na nagtype si mark tsaka hinain nang mga katulong ang pagkain
"parang gusto ko na tuloy magpakasal" sabi ni martin na kain nang kain "si martin nagbanggit about kasal? its a miracle!" sabi ni mark at ngumiti lang si martin
pinadalhan nalang ni martin si carl ng breakfast sa mga katulong pero naghahanda palang ng dadalhin ay bumaba na si carl
"what if magstar city tayo?" sabi ni mica at tinignan ni martin ang relo nya "pwede pa naman, 9:30 palang. Carl message mo na girlfriend mo isama mo" sabi ni martin
"wala akong damit na pangalis dito" sabi ko kay martin "uwi muna tayo ng condo, mas malapit yun dito para makapagbihis kayo ni carl" sabi ni martin tsaka namin sinabi kay carl
nakasunod lang sa sasakyan namin sila mark at tumigil kami sa condo, nagbihis lang ako ng short na maong at white tshirt tsaka nagsuot ng brown jacket
si martin ang nagsintas ng sapatos ko, nakapantalon na sya pero di daw sya makapili nang tshirt na gagamitin kaya pinilian ko sya
ilang minuto lang kami nagayos tsaka kami lumabas at sinundo si gail sa bahay nila at pinagpaalam ko na din ito
mababait ang parents ni gail at botong-boto sila kay carl, nagpaalam na din kami sa kanila tsaka umalis
pagbaba ng sasakyan ay bumili lang ng ride-all-you-can si martin para saming lahat tsaka kami pumasok sa loob
dala parin ni mark ang camera nya "oh picture na dali" sabi ni mark at nagpicture kami tulad nung sa resort
"ganyan nanaman?! what if martin hold chloe's waist and chloe wrap your arms around martin's neck tas tinginan lang kayo" sabi ni mark
"well that's what our photographer says" sabi ni martin at agad ako hinarap sa kanya "closer" sabi ni martin kaya pinaglapit pa ni martin ang mukha namin
nagulat ako nang bigla nya kong halikan at naghiwalay na kami "oww shet! thats perfect" sabi ni mark habang tinitignan ang pictures namin
"send it to me asap" sabi ni martin at tumango si mark tsaka ipinasa kay martin at nagpicture din kaming apat nila carl at gail
si gail ang nagupload nung picture namin habang si martin naman ay inupload ang picture namin magkatinginan
kasunod ay picture nung hinalikan nya ko pero tinakpan nya ng pusong emoji ang labi namin, ang galing ni mark magpicture dahil malabo ang paligid pero kami lang ang malinaw
"photographer ba si mark? and ikaw? ang galing nyo magpicture" sabi ko sa kanya "si mark oo, pero ako hindi. Sadyang ang ganda lang ng model ko" sabi nya sakin
naglakad lakad kami, minsan kaming magkakapartner o minsan naman nauuna ang mga lalaki at nasa likod kaming tatlo nila mica
good thing ay nakapagbonding na kami ni gail at nagkakilala na kami, nakwento din nya kung paano sya niligawan ni carl
naging girls bonding at boys bonding ang nangyari dahil bihira lang ang naghaharutan, naggala-gala muna kami tsaka nagyayaan ng rides
nagkayayaan na pumasok sa horror house "sige na kayo nalang" sabi ko dahil takot ako doon "ate dali na! wag kang kj" sabi ni carl sakin
"ayoko" sabi ko tsaka ako hinila para pumasok "sige na pumila na kayo ako bahala dito sa ate mo" sabi ni martin tsaka umalis si carl
"tara na" yaya nya habang hawak kamay ko "natatakot ako" sabi ko tsaka sya ngumiti "kasama mo naman ako..." sabi nya tsaka hinalikan yung kamay ko
"just hold my hand" sabi nya tsaka ako niyaya "natatakot talaga ako" sabi ko at hinila nya na ako "ako bahala sayo" sabi nya tsaka kami napunta sa pila at pinagitnaan na nila ako para hindi makatakas
BINABASA MO ANG
I'm his pretend girlfriend
Chick-LitChloe Eloise Suarez, simple girl na laging deans lister at scholar kaya naman ay strict ang kanyang parents in means of relationship but she's in a secret relationship with the campus crush Harvey Lim, barkada lang ni harvey ang nakakaalam nun and c...