chapter 13

199 14 0
                                    

Chloe's POV

"Teh ang inseparable nyo na" sabi ni hannah sakin kaya ko sya tinignan "selos ka" joke ko sa kanya at sinabuyan nya ako ng tubig sa mukha

"Pero maiba ako, grabe tingin ni molly sa inyo kanina" sabi ni mica sakin at napangiti nalang ako dahil atleast nagwowork ang plano ni martin it means malapit na to matapos

"Ang conservative ni martin sayo, nung last time na nagswimming kami kahit pinagtitinginan na yan si molly ok lang sa kanya" sabi ni mica sakin

"Eh sexy naman kasi talaga si molly eh" sabi ko at nalatawa lang si mica "ano ka ba! Mas sexy ka kaya sa kanya tsaka kahit istalk mo yan si martin ikaw lang ang nakasama nyan sa profile picture nya" dagdag pa ni mica

"Tas sya pa mismo kumuha nung picture mo na cinover photo nya" sabi pa ni lexi

"and as far as i can remember nagkaissue nga dati na pinalitan ni molly yung profile picture nya ng silang dalawa pero nalaman agad ni martin kaya pinalitan nya tas dinelete nya yung picture nila" sabi din ni mica sakin

"Pero lutang katawan nyo dun sa profile nya, ang sexy mo tas yung abs nya kitang kita" sabi ni hannah sakin kaya natawa nalang ako

"guys lets go? ready na yung lunch" sabi ni molly samin "sige na susunod nalang kami, intayin ko lang si martin" sabi ko dahil lumalangoy pa din si martin

Nauna na sila at lumapit na sakin si martin nang makitang wala na akong kasama

Kinuha ko yung twalya na nakasabit sa upuan at inabot yun sa kanya "thank you" sabi nya tsaka nagpunas at pupunta na kami sa isang cottage na nirent nila

"sabi ni mica sakin pinalitan daw dati ni molly yung profile picture mo pero pinalitan mo ulit tas dinelete mo pa" sabi ko sa kanya habang naglalakad kami

"Naaalala padin ni mica yun" sabi nya tsaka tumawa at inakbayan ako "kaya ang swerte mo kasi ikaw nakasama ko na sa profile ko at bonus pa na ikaw ang cover photo ko" sabi nya tsaka kami tumawa

"Ayan na pala ang love birds eh, nga pala guys. i would like you to meet gary, my boyfriend" pagsabi nun ni molly ay tinignan ko agad si martin at nakangiti ito

"Oh chloe bat pinalitan mo na see-through mo?" Tanong ni molly na ngayon ko lang din nakausap "eto kasing si martin, masyadong protective" sabi ko at nakita ko na tumaas ang kilay nya nang bahagya

"gusto ko kasi ako lang makakakita sa sexy body ng babe ko" sabi ni martin tsaka ko sya tinignan "ow... Uhmm... puntahan ko lang si eric" sabi nya tsaka umalis

Nilapitan namin ni martin si carl na nakikipaglaro kay jerry ng games na di ko maintindihan dahil puro patayan lang naman

"Kumain na muna kayo" sabi ni martin sa dalawa at tumayo ito tsaka kumuha ng pagkain

Nanginginig na ko dahil sa lamig nang ilagay nya sakin yung twalya na nasa balikat nya kanina "akyat na tayo? Para makapagbanlaw ka na" sabi nya tsaka ako tumangi

"Akyat na kami" sabi ni martin sa kanila "bakit? Mamaya pa kami magsiswimming" sabi ni molly

"magkikita kita naman tayo mamayang gabi so i think me and chloe needs some time hope you dont mind" sabi ni martin sa kanila

"Ofcourse, go ahead" sabi ni molly tsaka kami umalis at umakyat sa kwarto, lalo akong nilamig dahil nakaaircon pa dito

"Sige na mauna ka na magbanlaw, nanginginig ka na oh" sabi nya tsaka ako binigyan ng bagong twalya

"Matagal ako maligo" sabi ko sa kanya "maliligo ka na o papaliguan pa kita or sabay tayo" sabi nya kaya pumasok na ako nang cr at nagbanlaw

Pagkatapos ko ay agad syang pumasok nang cr, kahit doble na ang kumot ko at malamig pa din at nanginginig ako

Paglabas ni martin ay nakatopless lang sya at nakita nya akong nanginginig, nahiga sya sa tabi ko tsaka ako niyakap

"ang lamig mo naman masyado" sabi nya at naramdaman ko yung init ng katawan nya sakin

Habang yakap ako ay isiniksik nya ang mukha nya sa mag leeg ko, mararamdaman kong nawawala na yung lamig na nararamdaman ko

Pagtingin ko ay tulog na si martin kaya nahiga nalang din ako sa tabi nya at narinig si hannah, mica at lexi na naglalakad sa corridor

"Ang sweet nila kanina noh grabe" sabi ni lexi at ginatungan pa ni hannah pati nadin si mica kaya nakakatawa dahil rinig na rinig ko ang usapan nila

Tinignan ko ang social media accounts nya sa phone at madami ito chat na galing sa ibang babae na di binabasa

Kung meron man ay pagtingin ko ay sasabihing may girlfriend na sya o kaya ay seenzoned lang

Tinignan ko yung comments sa profile nya, madami ang babae na nagluluksa dahil may girlfriend na DAW pala sya

Yung iba ay masaya dahil pinakilala na ang girlfriend ni martin at yung iba naman SS (stay strong) lang ang nakalagay

I'm his pretend girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon