chloe's POV
paggising namin ay gising na din sila hannah at lexi na nagcecellphone habang si mica naman ay pinagsasabihan si mark
naglunch lang kami at inaayos ang gamit tsaka lumabas sa hotel para umuwi
"eric yung sasakyan nalang na ginamit namin ang gamitin nyo, palit tayo" sabi ni martin tsaka nya binato yung susi kay eric at sumakay
"yung isa nalang gamitin natin para kasama natin si carl" sabi nya tsaka kami sumakay at nakaupo lang si carl sa likod
"uuwi na ba kayo pagdating dun or sa condo muna kayo?" tanong sakin ni martin kaso ay si carl ang sumagot
"wala sila mama sa bahay eh" sabi ni carl tsaka ako tinignan ni martin "keri naman na sa bahay nalang kami" sagot ko sa kanya
"wala kayong kasama, gusto mo ba samahan ko kayo dun?" tanong nya sakin at ngumiti lang ako
"kaya naman na namin eh, no need" sabi ko tsaka nya pinaandar yung sasakyan "babe, delikado kasi kung kayo lang sa bahay nyo. Bakit di nalang kayo sa condo?" sabi nya
"wag na nakakahiya na masyado sayo" sabi ko naman sa kanya habang si carl sa likod ay sumali sa usapan namin
"ate dun nalang tayo kay kuya, may ps4 pa dun" sabi ni carl at nakita ko na ngumiti si martin "see, sabi sayo dun na kayo eh tsaka akala ko ba itutuloy ang bakasyon sa condo" sabi ni martin sakin
"carl di ka na nagsawa dun, nakakahiya na sa kuya martin mo" sabi ko naman kay carl tsaka sya nag pout
"magisa lang din ako sa condo, kila ate gail na mamamasukan si manang. wala akong kasama" sabi ni martin, yung ate gail na nabanggit nya ay pinsan nya. nakwento na nya yun sakin dati
"ganito nalang! minsan pupunta kami sa condo tapos minsan punta ka sa bahay" sabi ko tsaka sila tumango at ngumiti
"bakit naman kasi manual tong sasakyan na to, di ko tuloy mahawakan kamay mo" reklamo nya nung nagcellphone ako tsaka ako tumawa
pagdating sa bahay ay ipinasok lang nya ang mga gamit namin "tara sa labas nalang tayo magdinner" sabi nya kaya ibinalik ko ang wallet nya tsaka sumakay ulit nang sasakyan
tumigil kami sa isang mamahaling restaurant tsaka bumaba, pinagbuksan pa nya ako nang pinto. at pumasok kami tsaka kami ginuide nang isang babae papunta nang upuan namin
pinaorder kami ni martin tsaka nagintay na iserve "babe, saan mo plano magwork?" tanong nya sakin "wala pa akong plano eh, rest muna kakatapos lang magaral eh" sagot ko naman sa kanya
"if you want i can get you and join the marketing department ng company namin" sabi nya tsaka ako ngumiti
"no need, andami mo ng ginawa for us" sabi ko sa kanya, nahihiya ako sa mga nagawa nya samin at mga binigay nya
"babe ano kaba, ill help you in any way that i can" sabi nya sakin tsaka hinawakan yung kamay ko
nginitian ko lang sya tsaka sinerve yung pagkain, tahimik lang kaming tatlo na kumakain. pagkatapos ay hinatid na din kami ni martin sa bahay
"thank you, ingat sa pagdadrive" sabi ko sa kanya habang nasa tapat ako ng gate tsaka sya sumakay
ibinaba pa nya yung bintana tsaka kumaway "ingat!" sabi ko sa kanya tsaka sya umalis, pagpasok ko ng bahay ay nakaupo lang si carl
"carl! wag kang pabili nang kung ano-ano sa kuya mo" sabi ko tsaka sya yumuko "eh ate sya naman nagsabi eh" sagot nya kaya naupo ako sa kahoy na center table namin na nasa harap nya
"kahit na, diba i told you na pagmay gusto ka pagipunan mo" sabi ko sa kanya tsaka sya tumango kaya umakyat na ako sa kwarto ko
may narinig ako na nagriring na cellphone kaya tinignan ko ang phone ko na nasa bag, di yung akin ang nagriring
naiwan ni martin ang cellphone nya sa bag ko, kanina kasi bago kami umalis para magdinner ay wallet lang ang hiningi nya at nawala din sa isip ko ang cellphone nya
nakita ko na si molly ang tumatawag kaya sinagot ko "martin" sabi ni molly nang sagutin ko ang tawag nya
"Im sorry, could you please forgive me? You know naman im better than thay chloe right? Please martin, I'm really sorry. Promise I won't treat you like that again, I'll give my full attention to you. Of you want I can ignore all my friends for you. Please forgive me" sabi pa ni molly na parang naiiyak
"si chloe to" sabi ko sa kanya "what the f! bat ikaw ang may hawak nang phone ni martin" iritadong sagot nya
"Naiwan nya sa bahay ko after nya ako ihatid from our dinner date" sabi ko habang nakangiti at naiimagine ang mukha nya na galit na galit
binaba nya ang call at narinig ko na may nagnotif sa phone ko kaya tinignan ko yun, si martin lang pala nagchat at sabi nya sa naiwan daw nya phone nya sa bag ko. bukas nya nalang daw kukunin at sa laptop daw sya nakaonline
matulog ka na, late night nanaman. Bad magpuyat, Goodnight
chat nya tsaka ako naggoodnight at pinatulog na din sya pero sabi nya ay may tatapusin pa syang file na pinagawa ng daddy nya na matagal na pending
business management ang kinuhang course ni martin dahil sa kanya ibibigay nang daddy nya ang pagmamanage nang business nila
miss mo ko noh, di ka makatulog
chat nya ulit sakin kaya natawa ako tsaka nakarinig ng katok sa pintuan ko, lumapit ako at binuksan yun
walang iba kundi si carl ang nang bubulabog sakin "ate sabi ni kuya martin dito daw ako matulog sayo" sabi nya at napa'huh' nalang ako
"sige na bumalik ka na sa kwarto mo, nagpapaniwala ka naman sa kuya mo" sabi ko kay carl tsaka sya bumalik sa kwarto nya kaya tinignan ko ang phone ko at nagchat si martin
pinapunta ko si carl dyan, substitute ko
chat nya kaya natawa ako sa sinabi nya, anong substitute pinagsasasabi nito. Ilang taon akong nabuhay nang magisa natutulog dito sa kwarto ko
baliw ka talaga! tutulog na ko, matulog ka na din agad. Goodnight
chat ko sa kanya at naggoodnight na ulit sya tsaka ako natulog
BINABASA MO ANG
I'm his pretend girlfriend
ChickLitChloe Eloise Suarez, simple girl na laging deans lister at scholar kaya naman ay strict ang kanyang parents in means of relationship but she's in a secret relationship with the campus crush Harvey Lim, barkada lang ni harvey ang nakakaalam nun and c...